Chapter 3

63 3 5
                                    

Chapter 3

Finally

Pumupunta parin ako sa building nila kahit na alam kong 'di nga siya pumapasok ng maaga. I am starting to think na baka tama nga sila, lagi nga siyang late.

Pero napapaisip din naman ako na nandito na ako, eh. I already started, ang layo na ng narating ko tapos dito pa ako titigil? Siyempre hindi naman 'di ba?

Kaya nandito ako ngayon, nakaupo malapit sa bench na umuupo or humihiga ang lalaking lagi akong kinukulit.

Maganda naman ang mga pananamit niya actually. Wala ngang umuulit, eh. Hindi kagaya sa akin na nahihirapan pa ako kung anong susuotin ko araw-araw dahil baka ito na 'yung araw na makita ko na si DJ.

"Pasok ka na, hindi siya makakapasok ngayon." Sabi sa akin ng lalaki at humiga na.

He's wearing a grey trouser pants with black belts and brown top t-shirt with his same shoes na babagay sa damit niya. Marquins. He's also have a one side hair. Bagsak ang kaniyang buhok kaya bagay sakaniya.

"Pa'no mo alam na hindi siya papasok? Sinabi niya sa'yo?" Tanong ko naman at tinaasan siya ng kilay. Aba malay ko ba kung hindi talaga papasok si DJ.

What if nagsisinungaling lang siya 'di ba? Kaya 'wag tayo maniwala kahit nakikita natin siya araw-araw at nakakausap.

"Sa sinasabi ko sa'yo na araw-araw na lagi siyang late tapos hindi ka naman nakikinig, at totoo naman ang sinasabi ko ay hindi ka parin maniniwala?" Tanong niya sa akin pagkatapos ng mahaba niyang sinabi.

Natigilan naman ako doon.

Oo, tama siya. Lagi niyang sinasabi sa akin na late ito kahit hindi naman ako nagtatanong. Pa'no ko nalalaman na late siya? Kasi pa-late na rin ako kaya umaalis na ako.

"Still, maaga pa naman." Napapikit na siya at natawa sa ginagawa ko.

"I cannot believe you." I heard he whispered and shook his head again and again.

Nanliit ang mata ko. "Anong sabi mo? Narinig ko 'yon." Sabi ko at pinagkrus ang braso ko habang nakatingin sakaniya.

Sakto ay nag cecellphone na siya ngayon na para bang meron siyang kausap. I rolled my eyes. E 'di huwag niya akong kausapin! Pake ko sakaniya! Basta huwag niya pakialaman ang paghihintay ko. E 'di goods kami kapag gano'n.

"Cinto!" Napatingin ako sa sumigaw.

What? Did he just say Cinto? Like Santo? Kaninong pangalan naman ang gano'n? Bro, I wouldn't even name my child like that. Kawawa naman ang lalaking may pangalan na gano'n, parang 'di siya pinagpala, lol.

"Ingay mo, Jedd." Narinig kong nagsalita naman ang katabi ko.

Nagulat naman ako. Biglang nabura lahat ng nasa utak ko kanina na nakakatawa dahil siya pala ang may pangalan na gano'n.

I mean, his looks doesn't match his name. Gwapo siya and Cinto doesn't suit him.

"Papasok pala ngayon si DJ, eh. Agad lang aalis kasi 'di na talaga kaya ng time niya. Tatapusin niya nalang pala this year tapos hindi na siya mag-aaral." Mahabang saad ng lalaki na pangalan ata ay Jedd? Saka wait lang. Anong sabi niya!?

"Hindi na siya mag-aaral dito next school year!?" Nagulat naman si Jedd dahil sa biglaang pagsalita, at pakikisali sa kanila.

"Do I know you?" Tanong niya sa akin at nakakunot ang noo.

"She's just a fan of him. Sa kabilang building siya." Nakahawak sa ulo ni Cinto. Siya na nagsalita at na stress para sa'kin.

Napatango naman si Jedd. "So kaibigan mo?" Tanong niyang muli kay Cinto.

My Love From The Stage Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon