CHAPTER 22
At first it was easy. Naging madali lang para sa aming dalawa ni Unique. There were no hindrance or anything to our relationship. Nagkikita parin naman kami pero siyempre minsan kailangan niyang magfocus sa pagiging artist niya.
At gaya ng sinabi ni Angel sa akin. Tinulungan niya akong kumuha ng passport dahil gusto niya daw talaga akong isama. Nakapagpaalam din siya kay Mommy.
Si Mommy gusto niya siya nalang mag bayad ng ticket ko dahil nakakahiya naman daw pero makulit itong si Angel kaya walang nagawa.
"I can't wait! Gusto ko na talagang mag ibang bansa!" She exclaimed, tumitili pa dahil sa excitement na nararamdaman. Natawa lang naman ako.
"Alam na ba ni Unique na sasama ako?" Tanong ko sakaniya dahil sabi niya din sa akin no'ng nakaraan na sasama si Unique.
Napaisip ito. "Hindi, eh. Pero sasama parin siya. Bakit hindi mo pa sabihin ngayon?" Tanong niya pabalik sa akin. Tumango naman ako habang naghihintay lang kami na tawagan ako. "'Pag natapos tayo dito. Week after makukuha mo na ang passport mo and we can go na."
Wala na rin kasing pasok no'n since December na. December din ang birthday ko pero sa 29 pa naman ito kaya ok lang kay Mommy.
Kinuha ko na ang aking phone. Nag on ng data at nagtipa ng sasabihin para kay Unique.
_mavs: busy?
Hindi ito kaagad ng reply kaya alam kong busy siya.
_mavs: just call me when you're done. May sasabihin akong importante.
Alam ko na agad na 'pag nakita niya ito ay tatawag siya kaagad dahil ayaw na ayaw niyang may sinasabi akong importante. Isip niya bad news lagi. Kasama niya naman ako sa South Korea kaya dapat masaya siya.
Then, they call for my name. Nag pa-finger print sila, pictures, and other more. Pagkatapos no'n ay inaya akong lumabas ni Angel ulit. Ewan ko, buti pa 'to maraming pera. Nauubusan na din ako, eh.
"Kailan kaya susunod na concert ni Unique. I wanna watch him sing again." Sumimangot ako.
"Kasama mo naman siya bakit 'di ka magpakanta sakaniya?" Tanong naman sa akin ni Angel habang nagmamaneho. Ngumuso ako dahil hindi ko naisip 'yon.
Iba kasi ang ginagawa namin, eh. Nanonood at talagang nag q'quality time kami. Umabot na kami sa part na nagyayakapan na tuwing may pinapanood.
Yet we haven't confirmed our relationship yet. Dapat ba akong kabahan?
"Angel. Satingin mo ba kami na ni Unique?" Tanong ko sakaniya. Agad naman kumunot ang noo nito. Nagtataka.
"Hindi ba't kayo na? Girl! Pumupunta ka sa guesthouse niya tapos walang namamagitan sainyo?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
Natamaan naman ako roon. Wala naman kaming ginagawang masama! Besides, hindi niya rin kasi natatanong! Dapat ba ako nalang mag first move?
Kumain nalang kami sa labas ni Angel at napag-isip-isip ko talaga ang sinabi niya sa akin. Kaya siguro ako na nga mag first move. Lalo na't baka nahihiya pa 'yong si Unique kaya... hays! Ako na, sige na ako na.
_mavs: busy parin?
Dahil wala parin siya message sa akin. Hindi pa naman ako nakauwi, kaya napag-isipan ko na pumunta nalang sa guesthouse niya at hintayin siya doon dahil may spare key naman akong dala lagi.
He gave me a spare key dahil kung gusto ko daw pumunta ay punta lang ako doon. At minsan baka magkita pa kami kaya magandang bagay na 'yon.
Medyo maluwag ang schedule namin ngayon dahil malapit na din ang December. Hindi kami masyadong pinapahirapan ng Chef namin.
BINABASA MO ANG
My Love From The Stage
RomanceMavis is a number 1 fan of Dominique Juarez or DJ. DJ is a famous singer and a writer, many people in the Philippines adored him, not until Mavis entered his life, everywhere he goes, Mavis is there, it's getting out of control. Until he can't take...