Chapter 10
Stop
"Beh, feel ko..." panimula ni Keycy pagkatapos kong sinabi sakaniya lahat ng nangyari kanina. "Tama na 'yun. Stop ka na beh." Mahina pa siyang natuwa.
"Bakit?" Nagtaka naman ako.
"I mean the photoshoot is done and everything. Hindi mo na rin siya makikita kaya tigilan mo na. He even treated you like a trash." Hindi ako nakapagsalita.
"That's not the full case, pinilit ko kasi siya." I defended him.
"If he truly cares, he took atleast one bite." Laban naman ni Keycy at pinagkrus ang braso niya sa akin.
"Wala ka bang gagawin ngayon?" Pag-iiba ko ng usapan.
"You have to stop your feelings bago pa tuluyan lumalim 'yan. Baka kapag nalunod ka na, hindi mo alam kung paano ka aahon." Sabi niya sa akin.
Hindi ako nakasagot. "And, yes, meron akong gagawin. Tawagan mo nalang ako kapag may kailangan ka."
"Keycy..." mahinang tawag ko rito dahil sa sinabi niya. "Pwede ka naman mag stay kung gusto mo." Sabi ko naman sakaniya. "Saka hindi naman kita tatawagan kung kailangan lang kita. If you have some problems, you could come to me."
"Wala naman, akala ko tinataboy mo na ako, eh." Muli siyang bumalik sa pagkakahiga sa kama ko. "Just remember everything I've said, para sa'yo rin naman iyan."
Tumango naman ako.
But I did not actually do it. Wala lang kasi matigas ang ulo ko at gusto ko parin mapalapit kay DJ. I agreed to what she said but that doesn't mean I have to follow what she said. It's on me.
The next day, Ma'am Juliana asked me to come in Crepe Delicious Urban Café. Once lang ako nakapunta dito pero masarap naman kaya I agreed.
Baka celebration lamang ito.
I wore a solid white color bodycon dress with hollow out and asymmetrical neckline and waist pleats. To my feet, I wore a pearl bow ankle strap block heels sandals. Colored cream.
I ponytail my hair and leave a some strands hair in the front.
And of course, some light korean make-up para bumagay sa akin suot.
I just had a feeling that DJ would come so I made this full effort to look beautiful.
"Wala ka bang pahinga, Mavis? Lagi ka nalang umaalis." Si Mommy.
"Ah, dapat hindi ako aalis ngayon, My. Kaso inimbitahan nila ako na kumain sa labas, eh. Sayang naman." Sabi ko naman sakaniya.
Tumango ito. "Pero ganiyan ang suot mo? Parang araw-araw bongga ang suot mo. Sabihin mo lang kung boyfriend mo na ang kinikita mo, ah. Hindi naman kami maselan." Mahabang saad ni Mommy sa akin.
"Kung sana nga My, eh."
"Kain lang talaga?" Paniniguro niya pa. Tumango naman ako.
"Promise po." Tumango naman siya.
"Sige na, mag-ingat ka." Tanging sabi na lamang nito. "Kung may iba kang ginagawa, pwede mo naman sabihin sa akin." Dagdag pa niya.
Tumango naman ako. "Bye, My!" Masiglang sabi ko at umalis na.
Nag tricycle lang ako papunta doon. Mabuti nalang ang nasakyan ko ngayon ay mabait at 50 pesos lang ang siningil sa akin.
"You've arrived! Our beacutiful model!" Ma'am Juliana exclaimed when I entered the place.
Inayos pala nila ang loob. Mas lalong gumanda.
"I ordered some crepes for you! Masarap ang crepes nila dito and the drinks! Anong gusto mong drink? Matcha?" Nagtaka naman ako dahil parang inooverwhelm niya ako ngayon ng mga pagkain. Parang special treatment tuloy.
BINABASA MO ANG
My Love From The Stage
RomanceMavis is a number 1 fan of Dominique Juarez or DJ. DJ is a famous singer and a writer, many people in the Philippines adored him, not until Mavis entered his life, everywhere he goes, Mavis is there, it's getting out of control. Until he can't take...