Chapter 25
Sacrifices
"Ate, napano kayo ni Mommy?" Tanong sa akin ni Sca dahil hindi kami nagsasabay kumain ni Mommy magsimula din no'ng araw na 'yon.
Nagtataka siyang nagtanong habang kumakain.
"Nagtatampo lang siya sa akin." Sagot ko naman at tumayo na.
"Bakit may nangyari ba?"
Meron pero hindi ko pa pwedeng sabihin sa 'yo dahil masyado ka pang bata.
"Nagtatampo lang talaga siya dahil lagi ako lumalabas." It was true but it wasn't the whole story. Tumango siya.
"Oo nga, lagi ka na lumalabas ngayon. 'Di ka man nga nagsasama, eh." I just smiled because that's also true. "Kahit no'ng South Korea."
"Hindi ba at napag-usapan na 'yon? Bakit mo nanaman binabalik?" Pinisil ko ang kaniyang pisngi dahil na cute-an ako sakaniya.
"Wala lang." Tinawanan niya ako.
My phone vibrated.
Unknown number:
Pwede ba tayong magkita?
Unknown number:
This is Unique's Mother.
Ako:
Saan po?
Unknown Number:
Tyler's Café.
Lumabas ako nang kusina at hinanap si Mommy. Nakita kong seryoso siyang nanonood ng TV. Nagdalawang isip pa ako kung sasabihin ko sakaniya.
Hindi kasi ako lumabas magsimula no'ng araw na 'yon. Sinabi ko rin kay Unique at naintindihan niya naman.
"My." Tawag ko rito.
"Ingat." Malamig na tugon niya kaagad. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko.
Bumaba ang aking tingin, nasasaktan talaga ako sa mga sagot niya sa akin this passed few days. Kung hindi malamig ay maikli naman at parang pati pakikipag-usap sa akin ay ayaw na niyang gawin.
"Makikipagkita po ako sa Nanay ni Unique sa Tyler's Café." Hindi siya nagsalita at nanatiling nakatuon ang tingin sa TV. "Mag-aayos na po ako." She still didn't respond.
Huminga ako ng malalim at pumunta na sa taas. Nag-ayos ako pagkatapos kong maligo. Maayos at disente ang damit na suot ko para naman mag mukha akong presentable. Siyempre Nanay ni Unique 'yun, eh.
Nag tricycle lang din ako papunta roon. Sa labas palang alam kong siya na ang babaeng may magandang posture habang nakaupo.
Pumasok na ako sa loob at pinuntahan siya and I was right. She's the woman who has a nice sitting posture.
"Sit down." She commanded.
Agad naman akong umupo. Nagkatinginan kami ng saglit. She even look at my outfit before sipping to her drink.
"Hindi ka parin talaga titigil sa paglandi sa anak ko?" Kalmado ngunit ramdam ko na ang inis niya sa akin.
"Kayo po? Hindi rin ba kayo titigil? Hindi po ba kayo naaawa sa anak niyo?" Sunod-sunod na tanong ko pabalik sakaniya. Ang takot ko na kailangan kong lunukin dahil gusto kong maging malaya sakaniya si Unique.
Agad na napalitan ng galit ang naiinis niyang tingin sa akin.
"Mahigit isang buwan mo palang na nakakasama ang anak ko, Babae, kaya huwag kang umakto na para bang kilalang-kilala mo na siya." Tumango ako bilang pagsang-ayon. Kumunot ang kaniyang noo.
BINABASA MO ANG
My Love From The Stage
RomanceMavis is a number 1 fan of Dominique Juarez or DJ. DJ is a famous singer and a writer, many people in the Philippines adored him, not until Mavis entered his life, everywhere he goes, Mavis is there, it's getting out of control. Until he can't take...