Chapter 26

39 3 0
                                    

Chapter 26

Birthday

"Sino ang mga iimbitahan mo sa birthday mo?" Tanong sa akin ni Daddy. Kumakain kami nang dinner ngayon.

Bukas na ang birthday ko at nitong nakaraang araw ay nawalan ako ng mood para sa lahat. Pati nga Pasko ay wala na ako sa mood dahil sa narinig ko.

Hindi ko sila masisisi sa desisyon nila. My Mother just care for me kaya niya na sabi 'yon. She's still concerned about me and here I am being ungrateful again.

"Mga kaibigan ko lang po. Siguro sina..." napaisip ako. "Angel, Keycy, at Patrick." Bahagyang nangunot ang noo ng dalawa.

"Si Dj, hindi mo isasama?" Tanong ni Daddy sa akin nang maramdaman niya ang titig sakaniya ni Mommy.

"Kung pwede lang ay gagawin ko. Pwede po ba?" Tanong ko naman pabalik at tumingin sa kanila. Hindi naman makatingin ngayon sa akin si Mommy.

Alam kong ayaw nila kaya hindi ko na sinabi pero hindi ko naman inexpect na itatanong nila.

"Pwede naman." Tumango si Daddy at uminom bago tumingin kay Mommy. Hindi naman nagsalita si Mommy at nagpatuloy sa kaniyang pagkain.

"Ok lang sa akin kung ayaw niyo. Naiintindihan naman niya-"

"Hindi, maganda 'yon. Para makausap at makilala na namin siya kayo naman na hindi ba?" Paninigurong putol sa akin ni Daddy. Tumango naman ako.

"May boyfriend ka na Ate?" Tanong sa akin ni Scarlet. Oo nga pala at hindi niya pa alam.

"Oo, Sca." Hindi ko na itinanggi. Ngumisi siya.

"Si Kuya Dj?" Agad na may Kuya ngayon dati wala man pero ngumiti ako at tumango. Glad to know na hindi niya dinibdib at tinanggap agad ang lalaki.

"Gusto ko siya makita, Ate. Hindi mo talaga iimbitahan sa birthday mo?" Siya naman ang nagtanong sa akin ngayon. Tumingin ako kina Mommy at Daddy.

As much as I want to. I feel like it's their call if Unique's gonna come to my birthday. Alam ko rin naman kasi na papayag si Unique.

"Gawin mo, Mavis. Matanda ka na." Nagulat ako sa sinabi sa akin ni Mommy. Umawang ang labi ko at napayuko.

It's her first time talking to me pero parang ang sakit. Ayaw ko ng maramdaman ang ganito. Pero ayaw ko naman ipaalam kay Sca na may hidwaan kaming dalawa ni Mommy kaya mamaya siguro ay kakausapin ko na ng maayos si Mommy.

Pagkatapos naming kumain ay agad akong lumapit kay Mommy. Kasama niya din si Sca pero kukunin ko muna ang kaniyang oras.

"My," tawag ko rito. Humarap siya sa akin. "Pwede ba tayong mag-usap?" Kahit naramdaman ko rin ang titig sa akin ni Sca.

Nagtataka ito kung bakit ko biglang kinausap si Mommy pero hindi naman siya nagsalita. Nag-iwas na lamang ng tingin at muling itinuon sa TV ang atensyon.

Agad naman tumayo si Mommy kaya pumunta kami sa kwarto ko upang mag-usap.

"May problema parin ba tayo, My?" Tanong ko sakaniya.

"Wala na." Agarang sagot niya naman.

"Kung gano'n bakit ganiyan parin ang pakikitungo mo sa akin?" Nagtatakang tanong ko sakaniya. Her face was poker.

"Hindi ko alam Mavis." Napapikit naman ako.

"My, birthday ko na bukas." I told her but she didn't move. "Hanggang ngayon ba ay uunahin natin ang tampo?" Dagdag kong katarungan.

"Hindi ako nagtatampo sa'yo, Mavis." She made that clear.

"Bakit hindi mo parin ako kinakausap ngayon?" I fired.

My Love From The Stage Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon