Chapter 6

68 3 11
                                    

Chapter 6

Get lost.

"Tinawagan ako ng company. Para i-meet daw ang kapartner at ang project na gagawin." Nakangiting sambit ko kay Keycy.

They actually called me after months. So, ngayon sa kusina talaga kami. Medyo na busy ako doon pero hindi naman ako nagpapaawat dahil siyempre pinapanood ko  parin ang idol ko na si DJ.

Kapag umuwi na ako ay deretso kwarto na ako para panoorin ang mga guest shows na ginagawa niya, ang mga interviews niya dito o sa ibang bansa.

Sobrang kilala na talaga siya and I am so proud of him.

"Grabe, hindi ba't pagod na pagod ka na niyan? Akala ko nga 'di na sila tatawag dahil sobrang tagal na, eh." Napatango naman ako dahil totoo naman 'yon.

"Ok lang, makikita ko naman siya." Sabi ko at napangiti dahil sa naisip ko.

"Pero 'yung totoo nga, 'di ba. Hindi ba't mapapagod ka dahil nasasabay sa curriculum mo 'yan?" Seryosong tanong niya sa akin, concerned.

Napaisip naman ako. "Madali lang naman ang pag ba'bake dahil marunong naman na ako." I assured her, still she shook her head.

"Kahit na no! Kailangan mo parin malaman kung nakakasagabal ba 'yan o hindi. I know I want this for you pero hindi mo naman talaga passion ang pag mo'model. If you want to back out, i wouldn't stop you." Mahabang saad niya sa akin. I pressed my lips together and nodded.

"Sige," huminga ako ng malalim. "Napag-isipan ko na na ituloy 'to kasi gusto ko talaga."

Napasapo naman siya ng kaniyang mukha at napailing-iling. "Sigurado ka ba diyan? Sa parents mo nasabi mo na." Doon lang ako natahimik. I signaled her to keep quiet dahil nasa kusina kami ngayon.

I am practicing the given assignment for me at nasa salas lang sina Mommy. Nanlaki naman ang dalawang mata niya at hindi makapaniwala sa akin.

"Hindi mo pa sinasabi sa kanila!?" Galit na pabulong niyang sabi. "Mavis, ah! Hindi na 'to nakakatuwa." Seryosong saad niya at sumandal sa kaniyang upuan tila na stressed sa akin.

"Sorry." Paumanhin ko naman at kinagat ang pang ibabang labi ko. "Hindi pa kasi ako ready na sabihin sa kanila, eh. Saka I am just doing this for fun. Hindi naman talaga ako seryoso."

"You have a dream a head of you. Hindi naman natin alam kung hanggang kailan magiging fun 'to sa'yo." Sermon niya naman sa akin.

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko at tumango. Naiintindihan ko naman.

"Titignan ko nalang sa mga susunod na mangyayari because now? I really am just doing this for fun." Seryosong sabi ko naman sakaniya.

Hindi na siya makapagsalita at tumango na lamang. Tinignan ko ang blueberry cheesecake ko at nakahinga naman ako ng maluwang dahil maganda ang pagkakabake nito. Nilabas ko na at nilapag dahil hindi pa tapos.

Nag design pa ako gamit ang piping bag. Fully attire naman ako like I have a apron, hairnet, and plastic gloves dahil 'yun ang sinabi sa amin kapag mag ba'bake. At pinutol ko din ang mahaba kong kuko at inalis ang nail polish ko dahil bawal din 'yon.

Pinalamig ko din dahil masarap ang blueberry cheesecake kapag malamig. Dalawa ang ginawa ko para ang isa kina Mommy, at kaibigan ko siyempre.

Nang lumamig ay mabilis ko naman silang pinagslice. Hindi ko naman mapagkatiwalaan si Keycy sa pag slice dahil kubit siya mag slice.

"Alam mo kung ikakasal man ako? Gusto ko talaga ikaw ang gumawa ng wedding cake ko. I feel like you could-can do it kasi ngayon palang? Grabe ka na, ang sasarap na ng mga gawa mo." Mahabang saad sa akin ni Keycy habang kinakain ang blueberry cheesecake na ginawa ko.

My Love From The Stage Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon