Chapter 31

41 3 7
                                    

Chapter 31

Conversation

"Aling Rhoda." Tawag ko. Agad naman siyang lumapit sa akin ng nakangiti.

Nilapit ko ang mukha ko rito. "Kung hindi pa siya aalis, huwag niyo palalabasin si Mia. Pakisabi narin po kay Mommy. Utos ko po." Nawala ang ngiti sakaniyang mukha. Tumango ito sa akin ng seryoso bago pumasok sa loob.

Nakataas naman ang kilay ni Unique. Nagtataka kung ako ang sinabi ko kay Aling Rhoda.

"Bakit ikaw ang nandito? Hindi ba dapat ang Nanay mo?" Tanong ko naman sakaniya ngayon.

Ngumisi siya at nagpamulsa. He's wearing a suit. Hindi ko nga alam kung pinaghandaan niya ba ito para mag-suot pa ng ganiyan. Mukha siyang tanga.

"Pinakuha niya sa akin. Dito ka na pala nakatira ngayon?" He asked, amused.

Kumunot naman ang noo ko. "Pake mo?" Inis na tanong ko naman ngayon. "You got your order, umalis ka na."

"Ganiyan ba ang trato mo sa mga customer mo?" Sarkastikong tanong nito sa akin. Kita ko ang galit sa kaniyang mukha.

"Nanay mo ang dapat kong tratuhin ng tama at hindi ikaw." Pero hindi ito nasindak. Huminga ako ng malalim. "Umalis ka na kung wala ka ng gagawin dito."

"Actually meron, dahil alam kong may tinatago ka sa akin." Then a man who got the cake from me gave Unique a brown envilope.

Nilahad naman ni Unique sa akin 'yon habang nakangiti. Kumunot ang noo ko, tinanggap 'yon at tinignan ang loob. Natigilan ako. Maraming pictures kasama si Mia.

"Anak ko ba siya-"

"Kaya ba nag order ka niyan? Para puntahan ako rito!?" Nangingiliting galit na tanong ko sakaniya.

Tumango naman ito habang nakangisi. Hinagis ko sakaniya ang binigay niya sa akin habang galit na nakatingin sakaniya.

"Umalis kana!" Galit kong sigaw.

"Anak ko ba siya?" Tanong niya naman pabalik sa akin. Napasinghap ako at napapikit. I know this day would come pero hindi ganito.

Naging normal ang buhay ko. Bakit niya pa ako nahanap!?

"You stalked me!"

"Tinago mo ang anak ko sa akin!" He fired back. His eyes is full of anger and vangeance.

Napapikit ako. "Umalis kana." I tried to calm myself.

Agad naman itong umiling. "Hangga't hindi ko siya nakikita, hindi ako aalis." Bumilis ang paghinga ko kasabay ng takot sa dibdib ko.

Ayaw ko. Kukunin niya sa akin si Mia!

"Anak ko din siya, Mavis! Itinago mo nanaman sa akin!" Hindi ako nakapagsalita. "Kung hindi kita hinanap, hindi ko malalaman na may tinago ka nanaman sa akin!"

"Bakit mo pa ako hahanapin? Normal na ang buhay ko dito, Unique. Please tantanan mo na kami." Dumaan ang sakit sa kaniyang mata.

Ang mga taong dumadaan ay napapatingin na din sa amin. I started to get frustrated.

"Huwag kayong mag-away sa labas." Lumabas si Mommy.

Natahimik naman kaming dalawa. Napatingin sa akin si Mommy. Nanghihingi akong tulong na tumingin sakaniya. Pinapasok ni Mommy si Unique. Natakot naman ako na baka makita ni si Mia.

Mabuti nalang at wala ito kaya nakahinga ako ng maluwang.

"Sa taas muna kami, Mavis." Seryosong sabi sa akin ni Mommy at mabilis na naglakad papunta sa taas.

My Love From The Stage Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon