Chapter 20
Celebration
"My, lalabas ako ngayon, kasama si Angel. Lilibre ko siya." Paalam ko kay Mommy.
"Hindi ba at bukas na ang kaarawan ni Angel?" Tanong naman ni Mommy habang nakataas ang kaniyang kilay. Tumango naman ako.
"Hindi kasi ako sure kung ano gusto niya pero mahilig siya lumabas kaya lalabas kami tapos libre ko. Sama ka bukas, My, ah." Sabi ko sakaniya. Nakabihis na din ako at hinihintay nalang si Angel.
Si Keycy naman ay hindi makakasama dahil busy sa acads. Being dental student belike.
Tumango si Mommy. "Ingat ka." Tanging sabi niya.
Tumango naman ako ngayon. "Thank you, My." Nagtambay muna ako sa salas habang hinihintay si Angel. Nanood pa ako sa pinapanood ni My.
Hanggang sa nag vibrate na ang phone ko at alam kong nando'n na si Angel kaya nagpaalam na ako kay Mommy. Mabilis akong lumabas at nakita ko nga ang kotse ni Angel.
Kumaway pa ako paglabas ko. Bumaba ang bintana. Si Angel ang bumungad sa akin na may malaking ngiti sa labi at kumaway sa akin.
"Hi!" She exclaimed when I entered her car. The window immediately closed. "Sa'n tayo?" Tanong niya kaagad.
"Anong favorite mong kainan?" I asked her. "Let's just go to BGC." I smiled after I told her that. "Ako na din bahala sa gas if ever man." Dagdag ko pa.
"Ay! No need to worry." Sabi naman niya. Hindi naman na ako nagsalita at tumango nalang. "Unique's has been busy these days no?" Tanong niya habang nag mamaneho.
Tumango naman ako. "Naiintindihan ko naman," sagot ko.
"Is he updating you naman?" Tanong pa niya.
"Siyempre. He find ways." Sabi ko at tumingin sa labas na may ngiti sa labi.
"Yiee! May progress na din sila. Mabait na siya 'no?" Tumango naman ako. "Mapagpanggap talaga 'yun! Pero gusto ka naman pala."
I smirked. I can only agree because that's what true.
"Duo sila ni Kuya. Si Kuya meron din natitipuhan pero ayaw naman umamin."
"Si Kuya Cinto?" Tanong ko. Tumango naman siya ng seryoso.
"Pero infairness sa nagugustuhan niya. Maganda talaga!" Compliment niya pa.
Natuwa naman ako sa reaction niya. Nag kwento pa ito about do'n then after that kay Patrick naman siya nag kwento. Natutuwa ako at minsan nag e'enjoy sa mga sasabihin niya.
She really looks so happy with him.
"Papakilala mo na ba siya kay Tita niyan sa birthday mo?" Tanong ko sakaniya.
"Uhm," nag-isip siya. "Oo. Gusto ko, gusto din niya kaya 'yun ang gagawin ko." Napangiti naman ako at napatango.
Sana all. Hindi ko alam kung magagawa ko 'yon dahil sa nakaraan namin ni Unique. I don't know if Mommy still like Unique after knowing what happened.
It's kinda hard. Pero dahil wala pa naman kaming dalawa sa palagay ko ay hindi ko na kailangan mag-alala.
"How about you? I know you two aren't together yet, pero siyempre alam kong doon na din kayo papunta 'di ba?" Napangiti naman ako at napatango. That's true but Unique hasn't asked me to be his girlfriend yet.
"Hindi ko nga rin alam kung paano ko siya papakilala, eh. Mommy knew what happened between the two of us. Pero palagay ko alam niya rin..." pinaglaruan ko ang aking kamay. "Na mayro'n akong kinikita dahil lagi akong umaalis."
BINABASA MO ANG
My Love From The Stage
RomanceMavis is a number 1 fan of Dominique Juarez or DJ. DJ is a famous singer and a writer, many people in the Philippines adored him, not until Mavis entered his life, everywhere he goes, Mavis is there, it's getting out of control. Until he can't take...