Chapter 12
Thank you
"How's the food?" Tanong ni Daddy sa amin.
"Ok naman, Dy." Sagot ko. Tumango naman si Sca na patuloy parin sa pagkain.
"It's good, Sir." Sagot naman ni Dj.
Tumango si Daddy. "So, I expect that there's nothing going on about you and my daughter right?" Kalmadong tanong ni Daddy habang kina-cut ang steak niya.
"No, Sir. Nagpatulong lang po ako sakanila." Agad namang sagot ni Dj. Nasaktan ako pero 'yun naman ang totoo kaya tumango nalang ako.
"Besides, idol lang naman ni Mavis si Dj." Sagot naman ni Mommy. "Hindi ba Mavis?" Paninigurado pa ni Mommy. Tumango naman ako kaagad.
"Oh, kaya pala pinilit mo'ko bigyan kita pambili ng ticket noon." Nag-init naman kaagad ang mukha ko sa sinabi ni Daddy.
Nakakahiya! Hindi niya naman kailangan sabihin sa harap ni Dj 'yun, eh! Tumingin ako sakaniya. Nakangisi lamang ito habang kumakain.
Masaya siya niyan!?
"Dy... mamaya nalang natin pag-usapan 'yan." Hindi sumagot sa akin si Daddy.
"Mavis maybe dressed like an adult woman but she's 19 years old. She likes to show off her legs because she likes being tall." Kwento ni Daddy.
"Dy, hindi niya naman tinatanong, eh." Pag pigil ko pa rito. Saka gusto ko ako mismo ang mag sabi sakaniya ng ugali ko 'no.
"I'm not that strict. Unang meet-up lang. Maybe the second time we will meet it will not be like this." Pag a'assure pa ni Daddy sakaniya.
Nagtaka naman ako.
Anong ibig sabihin ni Daddy? Na gusto niya si Dj gano'n? Eh, hindi naman kami, eh! Saka kung gusto namin ang isa't isa baka ako pa ang nanliligaw ngayon! Hays talaga.
Hindi na nagsalita pa si Daddy. Nakipagkwentuhan naman si Mommy sakaniya at patawa-tawa pa minsan.
"Hindi naman makulit si Mavis? Alam ko makulit 'yan. Hangga't 'di nakukuha ang gusto hindi titigil." Napasapo ako ng mukha dahil kanina pa nilan ako ine-expose dito, ah?
"Totoo po 'yan."
Tumango naman si Mommy at patawa-tawa pa.
"Dy, My? Tama na. Hindi naman nga siya nagtatanong."
"It's ok, I want to know." Nagulat naman ako sa sinabi ni Dj. Nananaginip ba ako? Bukod sa nakangiti na siya, gusto din niya na malaman kung anong ugali ko?
Nilason ba ang kinain niya? He is always rude to me!? O isa nanaman 'to sa pakulo niya?
Hanggang sa matapos na kaming kumain.
"Aalis ka na niyan, Dj?" Tanong ni Mommy sakaniya. Tumingin naman ako rito.
"Opo, bakit?" Magalang naman nitong tanong pabalik ang binalik sa bulsa ang phone na kaninang may tinitignan rito.
"We are planning to go to Mind Museum, matagal kasing gusto ni Scarlet 'yun."
"Talaga Mommy!?" Hindi naman makapaniwalang tanong agad ni Scarlet. Tumango naman si Mommy. Tumili si Scarlet. "I can't wait to see the dinosaur's bones there Mommy! Ang daming matututunan doon promise! You wouldn't regret bringing us there!"
"Kung gusto mo sumama, pwede naman." My Mother sincerely said at him. Hindi naman kaagad nakasagot si Dj.
"If that's ok then why not?" Mahinang tanong nito at unti-unting napangiti. Napangiti din ako habang nakatingin sakaniya.
BINABASA MO ANG
My Love From The Stage
RomanceMavis is a number 1 fan of Dominique Juarez or DJ. DJ is a famous singer and a writer, many people in the Philippines adored him, not until Mavis entered his life, everywhere he goes, Mavis is there, it's getting out of control. Until he can't take...