Chapter 18

52 3 10
                                    

Chapter 18

Weakness

I pushed him away. Tinakpan ko ang mata ko at pinipigilan na madala sa mga sinasabi niya. Nagulat naman ito sa ginawa ko.

Tinuro ko siya habang ang isa kong kamay ay hawak ang aking noo.

"Hindi..." umiling ako. Binaba ko ang kamay ko at humarap sakaniya.

Hindi ko mapigilan ang galit ko dahil sa sinabi niya. He said that so simple, like he didn't even treat me badly, trashly! Like he did nothing wrong this passed few months to me!? Parang nawala lahat ng 'yon!?

"Hindi mo ako... madadala diyan..." mariin na sabi ko sakaniya habang puno ng galit ang aking mata.

Bumilis ang paghinga ko. I am just glaring at him, letting my anger consume me. The whole me.

"Parang napakadali lang sa'yo lahat!?" I angrily asked him, he didn't say anything. I gritted my teeth. "Parang hindi mo man lang ako tinaboy? Parang hindi..." kinagat ko ang labi ko habang nasasaktang nakatingin sakaniya. "Parang... hindi mo man ako sinaktan." My voice broke.

"I regret it-" I cut him off immediately.

"Talaga ba!?" I shouted at him. "Talaga bang nagsisi ka? Sa lahat ng pambabasura mo sa akin, pati cake ko man lang hindi mo matikman dahil ano? Dahil nandidiri ka sa akin?" I sarcastically laughed.

I licked my lower lip and nodded. Thinking of what Keycy had said to me.

Baka nga tama siya. He likes the chase. Now that I stop chasing him, siya naman ang lumalapit ngayon.

"Palibhasa gusto mo na hinahabol ka, eh! Gusto mo 'yung maraming nagkakandarapa sa'yo! Ano ngayong tumigil ako ay hahanap-hanapin mo at sasabihin mo na gusto mo ako na para bang napakadali lang lahat sa'yo!?"

Parang pinipiga ang puso ko sa bawat salita na binitawan ko sakaniya. Na ang takot ko ay nilinok ko muna dahil matagal ko ng gustong sabihin ito sakaniya.

Hindi siya nagsalita but all I could see from him is regret. Pero tama lang na makita ko 'yon sakaniya! Hindi dahil gusto ko siyang magsisi sa ginawa niyang pagtrato sa akin kung hindi dahil kapag gusto niyang bumalik ay gano'n gano'n ay tatanggapin ko siya.

The words that I kept them inside me because I don't want him to hate me, to push me more because I want to be with him.

Nanghina ako.

"All I want is for you to look at me, yes! To like me too! Inaamin ko na!" I confronted him ngunit hindi parin siya nagsalita. "Gusto kong magustuhan mo 'ko that's why I kept bothering you, pero no'ng nagmakaawa ka? No'ng kinausap mo'ko no'ng araw na 'yon, nag pumilit pa ba ako? Pinilit ko pa ba 'yung sarili ko sa'yo?"

Umiling ako. "Hindi naman 'di ba?"

Hindi parin siya nagsalita.

"Do you still like me?" He emphasized the still.

Umawang ang labi ko. He looked at me in the eyes. Determine to know the answer, with the seriousness and demanding question from him. Nataranta kaagad ako dahil ngayon ko lang siya nakitang ganito kaseryoso.

"Tell me, Mavis. Isang tanong, isang sagot." Huminga siya ng malalim. "Gusto mo pa ba ako?"

"Paano mo natatanong-"

"Gusto mo pa ba ako?"

"Hindi ko alam matagal tayo-"

"Gusto mo pa ba ako?"

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko. "How dare you demand a answer when you didn't even gave me a chance when I liked you?"

"I'm asking you a question, Mavis." Malalim at may diin niyang sabi sa akin. "Gusto pa ba ako?"

My Love From The Stage Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon