Chapter 7

64 3 4
                                    

Chapter 7

Nerves

"Bukas na start ng shooting ko kasama si Dj. Alam mo ba 'Unique' ang tawag sakaniya ng mga pinsan niya?" Parang facts na sinasabi ko kay Keycy.

Buti nga at hindi na siya busy, eh. Dahil wala na akong mapagkwentuhan habang si Angel naman ay marami ata siyang ganaps sa buhay niya. Umalis sila ngayon, nag beach.

"Pa'no mo naman nalaman 'yon?" Takang tanong sa akin ni Keycy habang kumakain ng cheesy. Favorite naming dalawa na snacks. 'Yung pamparty size lagi ang binibili ko.

"Sa bagong kaibigan ko, si Angel. Buti nga mabait siya at sabing tutulungan ako kay Dj pero 'di ko naman siya ginagamit ah. She insisted kaya pumayag na ako. And I am really serious on being her friend." Mahabang paliwanag ko pa.

"Why do you sound so defensive about it?" Nakataas na kilay niyang tanong. Nagkibit ako ng balikat.

"Ewan ko! Baka kasi isipin ng iba na ginagamit ko siya para lang ilapit ang sarili ko kay DJ. Siguro pero kung gusto niya at siya mismo nag sabi, pero kapag hindi I wouldn't even mention it." Dagdag ko pa.

Natawa naman siya. "You really do sound defensive."

I scoffed. Hindi na ako nagsalita.

Bahala siya sa buhay niya. Parang inaasar niya na lang ako, eh.

"Infairness din sa Ateneo, ang mahal ng mga ingredients nila. Lobster." Manghang sambit ni Keycy dahil 'yon ang pinapanood ko ngayon. And I can't even practice at homr before they are hell a expensive!

Kaya sa school nalang. Youtube nga lang source of information ko, eh! O kung saan kumukuha ako ng inspirasyon.

"Ayaw ko 'yung nagtuturo sa amin do'n. Halos lagi nalang akong sisigawan." Kwento ko sakaniya. Tumaas ang kaniyang kilay.

"Bakit ka naman sinisigawan? Hindi ka ba magaling sa trabaho mo? Hindi ba't connected naman 'yan sa baking?" Nagtatakang sunod-sunod na tanong niya sa akin.

"About do'n. Hindi naman kasi kaagad nagsisimula sa baking teh, o siyempre iba't ibang pagkain ang ginagawa dahil culinary arts ang pinasok ko." Pag papaliwanag ko sakaniya. Umawang ang kaniyang labi at napatango.

"E 'di nahihirapan kaniyan sa mga dishes? Dahil puro baking lang ang alam mo 'di ba?" Tanong niya sa akin. Tumango naman ako.

"Exactly. Kaya kailangan ko pang aralin 'to dahil hindi naman nga ako marunong. Tapos kung 'yung chef mo pa na in charge, malamang sa malamang kailangan mo na talaga." Sabi ko pa na natawa ng bahagya.

Mabuti nalang nga at hindi ito ang pinili niya dahil baka pareho kami laging sinisigawan. Tapos tatawa pa kami imbes na matuto sa pagkakamali na ginawa namin.

Sinukuan ko kaagad ang panonood ko pero natapos ko naman. Hindi ko lang talaga siya inulit dahil nakakatamad. Wala namang pasok bukas kaya bukas ko nalang gawin after ng photoshoot siguro.

The next day came and Keycy goes to her classmates. Mayro'n daw silang group study dahil may exam sila na darating. To be honest, kami rin meron pero ang exam namin is pagluluto talaga!

Na kung saan, kung nagkamali ka man sa niluto mo. Siyempre bawas na 'yon sa points mo dahil 'yun na mismo ang exam. Hindi ko alam kung ba't nga ba in-approve-an 'yun, eh.

End of the month palang naman, eh, kakastart palang naman ng month ng March kaya mahaba pa ang araw na meron ako. Besides, nire'ready naman kami sa gagawin namin sa day na 'yun, eh. So no worries agad.

Walang pwedeng maghatid sa akin kaya nag tricycle na ako. At grabe pa 'yung tricycle driver, akala niya ata taga-america ako. Sinisingil ako ng 500 eh hindi naman gano'n kalayo?

My Love From The Stage Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon