Chapter 2
Annoying
"Hindi ako nakapagpa-picture sakaniya! Ugh! Nakakainis! Alam mo ba 'yon!?" Galit na tanong ko sa kaibigan kong si Keycy. Naiinis ako dahil mas inuna ko pa ang pagiging late ko kaysa sa... bwisit na makipag picture. It's only a once in a lifetime!
Tapos ang lakas ng loob kong magsabi sakaniya na hindi na ako babalik doon eh hindi naman ako nakapagpapicture sakaniya!? Bobo ba ako? I mean... baka? Oo? God!
"Sino bang tanga?" Tanong naman ng kaibigan ko. I rolled my eyes.
"Ako!" I said in frustration and even raised my left hand.
"Alam mo naman pala na tanga ka, eh. Bakit hindi ka pa kasi nakapagpapicture? Nakapag-usap na kayo, bro, you have the time to have a picture with him! Anong nangyari!?" Takang tanong niya na na-stressed na dahil sa akin. Napahilot pa siya sa ulo.
Nahiya naman akong tumawa ngayon. "'Yon na nga! Late na ako kaya ayun, umalis na ako. Ayaw ko naman ma-late kasi kilala mo naman si Sir! 'Di ba!?" I tried to defend myself.
Tumango naman siya na nakakunot ang noo dahil alam niya din naman 'yon.
Ayaw ko naman kasi ma-lock ng pinto! Kahit 1 minute late ka pa nga lang hindi ka na bibigyan ng chance, eh! Kaya no'ng na-late ako one time, pinromise ko na talaga sa sarili ko na hinding-hindi na ako magpapalate. And I did not!
"Pwede mo naman balikan para mag papicture, ba't ba parang napakalaki ng problema mo." Tanging sabi niya nalang at inikutan ako ng mata.
"'Yon na nga..."
"Nanaman!?" Hindi siya makapaniwala. "You have reason again. Ano? Ano nanaman ginawa mo?" Hindi na talaga niya ako kinakayanan.
"Sabi ko hindi na ako babalik doon." Tumingin ako sa kamay ko at pinaglaruan ito. Narinig ko ang tunog ng pagtapik ni Keycy sa hindi ko alam kung saan. Pero baka sa ulo niya. Tumingin ako sakaniya at tama naman ako.
"Diyos ko ka Mavis. Napakadali lang ng gagawin mo. Magpapicture, ba't dumada ka pa... dapat nagpapicture ka nalang kaagad." Napasinghap ako.
"He's not what you think he is." Mahinang sabi ko naman sakaniya.
Kumunot ang noo niya at napatingin sa akin. "Why?" Nagtataka siya.
"He's... rude. But he did not bastos me naman kaya okay lang."
"Rude?" Hindi siya makapaniwala. "Ang bait-bait niya sa mga shows and what, again? Rude?" Inulit pa niya. Tumango naman ako. "How?" Now she's all ears.
Buti nalang nakalabas na kami at nasa bahay na kami kaya wala naman makakarinig. Ayaw ko naman siyang i-expose na gano'n kaya ayaw ko sabihin ito in public, 'no.
"When I talked to him, medyo out of line 'yung mga sinabi niya sa akin. Sabi niya stalker ako, and he's got a two personality. Kapag may kasama siya, mabait siya pero kapag wala na magpapakita na 'yung totoong ugali niya." Napatango-tango naman si Keycy at napailing din at the same time.
"I cannot believe this. I let you idolize someone that has a fake personality. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko."
"Okay lang, fake din ako." Sabi ko at tinawanan siya.
"Gago ka talaga." Ngumiti naman ako.
"Pero tama din naman kasi siya, what if kailangan niya naman talaga 'yung privacy na 'yun kasi nga famous na siya. Kaya... you know." I defended him.
"Ewan ko sa'yo, Mavis. Gumawa ka nalang ng pag defend sa thesis mo." I rolled my eyes at him.
"Hindi pa nga nag re'reply sa gc 'yung mga asungot kong kagrupo."
BINABASA MO ANG
My Love From The Stage
RomanceMavis is a number 1 fan of Dominique Juarez or DJ. DJ is a famous singer and a writer, many people in the Philippines adored him, not until Mavis entered his life, everywhere he goes, Mavis is there, it's getting out of control. Until he can't take...