Chapter 4

63 3 3
                                    

Chapter 4

Concert

"Excited na ako, Keycy!" Sabi ko dahil bukas na ang concert. Sabado ngayon at linggo naman ang bukas kaya perfect timing for concert at makakapunta talaga ako.

"Hays, parang kahapon lang ayaw mo pumunta sa concert niya tapos ngayon parang mababaliw ka na." Napailing-iling si Keycy. Natawa naman ako habang inaayos ang aking outfit.

I wore a solid pleated tube mini black dress with black high-heeled Mary Janes shoes. I put socks on para maganda. Hindi naman masyadong mataas. And for my hair, I curled it and brush it to make it look like wavy. Mabuti nalang at tinulungan ako ni Keycy. Also, I put clips on my hair to my upper ears. Dalawa both side ng upper ear ko.

I also put light make up, brown eyeshadow,  eyeliner, eyebrow, concealer, blush, and some nude lipstick.

"Do I look ok?" Tanong ko sakaniya at inopen ang arms ko. To look at me, of course.

She rolled her eyes. "Beh, parang 'di na concert pupuntahin mo sa sobrang ganda mo sa totoo lang. Pinaka-bongga mo talaga 'tong concert na 'to!" Mahabang saad niya.

Natawa naman ako at humarap ulit sa mirror. "Siyempre. Hindi lang naman ako basta-basta pupunta ng concert, ah. Mag papapansin talaga ako sakaniya doon." Sabi ko naman habang nakangisi.

"Iba ang makakapansin sa'yo sa totoo lang." Kumunot naman ang noo ko. Kinuha ko ang lipstick na ginamit ko.

"What do you mean?" Tanong ko habang inaayos ang aking lip. Dinadagdagan ko dahil parang nabawasan.

"You literally look like a model. Pangarap mo ba 'yon?" Umiling naman ako. "I mean look at your height, and your face that's almost perfect, at ni pores at tigyawat wala ka."

"Thanks?" Patanong na sabi ko dahil parang compliment 'yon.

"What I am saying is you have the potential to be a model, naiintindihan mo ba ako?" Tanong niya sa akin. Tumayo pa at pumunta sa gilid ko upang malaman ang sagot ko.

"Oo," humarap naman ako sakaniya. "Can you take a picture of me? Parang nag a-apply ako ng lipstick gano'n?" Tanong ko sakaniya. She rolled her eyes and get my phone.

"Believe me, after taking pictures of you? Malalaman mo ang sinasabi ko." Sabi niya sa akin at nagsimula na kami. Maya-maya pa naman ang concert at malapit lang sa lugar namin kaya chill-chill lang ako.

After taking pictures, tinignan ko ito. Napatango naman ako dahil maganda nga akong tignan. Ngayon ko lang talaga pinaka-gayak ang sarili ko ng ganito. Magugulat nalang si Mommy na ganito na ang suot ko, hays talaga.

"Post ko sa instagram ko." Sabi ko habang nakatingin parin sa phone ko.

"Do what you want girl, basta enjoy mo lang 'tong day na'to. And if there are some opportunities coming? Do it, ok?" Sabi niya naman. Tumingin ako sakaniya.

"Bakit ba sure na sure kang may makakakilala sa akin?" Tanong ko na kuryoso. I mean kanina niya pa sinasabi, eh. Of course, I wanna know why.

"Hindi sa binobola kita, ah? But if you dressed like that always? You literally look like a model, as I said earlier." Huminga ako ng malalim at tumango at tumingin na ulit sa phone ko.

I picked three pictures.

_mavs
Looks who's excited tonight?

Then, I posted it right away. 'Di naman ganoon karami ang mga followers ko pero pili din naman ang mga post ko. For example, tanawin, ako, pamilya gano'n. Basta maganda 'yung account ko kapag inistalk ako ay ok na ako.

My Love From The Stage Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon