Chapter 29

38 3 7
                                    

Chapter 29

Gone

Naramdaman ko ang sakit sa ulo ko at unti-unting napamulat. Puting kisame ang nakita ko.

Nasa langit na ba ako?

Then my thoughts immediately vanished when Unique face appeared infront of me. Then, my Mother's face, silang lahat nandito.

Nag-alala agad ako nang maalala ko ang nangyari sa akin kanina.

"My," tumingin ako sakaniya.

Nasa tabi ko si Unique. Hawak ang aking kamay. Agad ko naman tinabig 'yun. He sighed.

Bumaba ang ulo ni Mommy at lumapit sa akin. Nagtinginan pa sila ni Unique. I was clueless! Gusto kong malaman kung anong nangyari. Tinignan ko ang mga kaibigan ko dahil wala akong makuhang sagot kay Mommy.

"Anong nangyari sa anak ko, My?" Tanong ko dahil pati mga kaibigan ko hindi makasagot sa akin.

"Mavis, kasi..."

"Kasi ano?" Hindi ako mapakali sa tanong ni Mommy.

Nahihirapan ito. "Mavis, they couldn't..." umiling siya. Umawang naman ang labi ko. "They couldn't save the baby, masyadong... maraming dugo."

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko at umiling-iling. Tinakpan ko ang aking mukha. They tried to comfort me.

"Gusto kong mapag-isa." Malamig na sabi ko.

"Hindi ka namin pwedeng iwan mag-isa. Pero... iiwan namin kayong dalawa ni... Unique." Mahinang saad ni Mommy.

Mabilis naman silang lumabas habang  katahimikan ang bumalot sa silid. Hindi ako makapagsalita.

"No'ng nakipaghiwalay ka..." panimula niya. "Buntis ka na ba?" Tanong niya sa akin. I couldn't even look at his face.

"Hindi ko alam na buntis na ako no'n." Sagot ko naman sakaniya.

"Kailan mo nalaman na buntis ka?" Tanong niya pa.

Parang nagtitimpi. Kumirot ang puso ko dahil sa sakit na nararamdaman. I don't know. Parang ang bilis ng lahat. Parang kahapon ay hindi ko matanggap tapos ngayon hindi ko rin matanggap na wala na ang anak ko sa akin.

For a moment, I felt like a parent. Tapos gano'n din pala kabilis na kukunin sa akin.

"Monday."

"I'm sorry." Tumingin ako sakaniya.

Nakayuko ito habang mahigpit na nakahawak sa railing ng hinihigaan ko. Alam kong nagsisisi na rin siya ngayon dahil kakaalam niya lang tapos ngayon wala na rin.

"I shouldn't... hindi na dapat kita pinagsalitaan ng gano'n." Nahihirapang sabi niya. Then suddenly, he kneel infront of me. "Saktan mo ako, Mavis... murahin mo ako kasi tangina..." napailing siya.

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko para pigilan ang malakas na pag-iyak.

"Dahil sa akin... nawala ang anak natin." I wanted to slap him.

But my hand stop mid air. I gritted my teeth dahil hindi ko siya kayang saktan. Hinding-hindi kahit gusto ko.

"Ayaw ko na." Umiling ako. "Ayaw na kitang makita, Unique." Nagulat siyang tumingin sa akin.

"I know what I did is wrong pero parang awa naman, Mavis..." inabot niya ang aking kamay. Nagmamakaawa siyang tumingin sa akin. "Huwag, huwag mo 'kong itaboy... alam kong nahihirapan ka. Please let's suffer together. Nandito ako. Tanggapin mo naman ako..." he begged.

Tumingala ako. Pinipigil ang sarili kong sumabog dahil baka may mangyari nanaman sa akin. Ayaw ko na. Napagdesisyonan ko na ayaw ko na talaga.

"Wala na ang anak natin. There's no reason for us to be together." Tanging sabi ko sakaniya.

My Love From The Stage Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon