Chapter 17

52 3 5
                                    

Chapter 17

Chance

Dahil hindi ako pwedeng ma'late sa pag-uwi ay nag dinner muna ako kina Angel bago niya ako hinatid papauwi. Nagka-usap pa nga kami ng pamilya niya bago ako tuluyang hinatid.

"Unique seems to be interested in you, hija. Lalo na't bukambibig ka pa niya no'ng pagtapos ng runaway. Did you know that he agreed because you were in there? Nagalit nga Nanay no'n." Sinabayan pa niya ng tawa.

Ako naman ay hindi makapaniwala. I mean, I did not expect that from her like talking so casually at me. Akala ko intimidating si Tita inside and out pero chill chill lang pala talaga siya.

"I remember Tita's face. She's so furious pero bandang huli wala siyang nagawa." Dagdag pa ni Angel na natawa rin. Umiling nalang ako.

Tumuloy pa 'yon pero hindi naman importante. Pagka-uwi ko ay dumeretso na ako sa kwarto pagkatapos ko sabihin kina Mommy na nandito na ako.

Humiga ako sa kama pagkatapos kong maghilamos. I feel so freshed afted that. Pero napaisip ako sa lahat ng sinabi nila kanina.

A part of me felt alive because of their words. Words that felt so true to me that finally, a long wait has been done because finally he likes me? He's into me?

Then a part of me also wonders that if he is truly into me then why did he said all of that? That I should stop this feelings of mine because of his family?

What does he take me for? Isang takot na babae dahil lang sa nakakatakot niyang Ina?

Hanggang sa 'di ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Paggising ko ay panibagong araw nanaman para sa kusina. Until it turned into weeks and months then finally.

My contract is done.

I need to talk to Ma'am Juliana of course.

"Your contract is done! Thank you for working with us, Mavis! Malaking tulong ang ibinigay mo sa kompanyang ito at I will be forever be grateful for you dahil kung hindi dahil sa'yo ay hindi kami aangat ng ganito." Hinawakan niya ang aking kamay.

She smiled at me sincerity with her eyes too full of sincerity. Ngumiti din naman ako pabalik.

"Wala ka na bang balak na... pumasok ulit sa industriyang ito?"  Tanong niya at binitawan na ang kamay ko.

Umiling naman ako kaagad. "I really want to be a baker and may upcoming pa po kaming competition niyan para do'n. Mas gusto ko pong mag focus sa pangarap ko."

Napatango naman ito pero tila dismayado parin sa desisyon ko.

"Pero if ever na you have a change of mind. One call away lang ako, ok?" Tumango naman ako kaagad.

I'm also so grateful for her. Na kahit anong sitwasyon ay kaya niya rin akong tanggapin.

Since I only have weeks to prepare for my baking contest. Ni partner nga wala pa ako kaya tinawagan ko si Angel.

"Ayaw mo maging kapartner ako sa baking contest?" Tanong ko sakaniya. Agad naman itong natawa.

"Hindi pwede! My Mother is one of the judge, baka kapag nanalo tayo ay iisipin nila na nandaya tayo." Kinagat ko ang pang ibabang labi ko dahil wala akong ibang maisip na kasama. "Wait? I'll call Patrick."

"Sige." At agad naman pinatay ang tawag.

Wala pa akong pag-eensayo at kung ano pa!

May pasukan pa kami at na pre'pressure na tuloy ako dahil sumali na talaga ako dito 'no! Gusto ko ipakita sa kanila ang talentong meron ako.

My Love From The Stage Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon