Chapter 32

33 3 9
                                    

Chapter 32

First meet

"Asawa?" Nagtataka si Unique sa naeinig nito. Sinamaan ko ng tingin si Aling Rhoda. She just shrugged her shoulders.

"Mauna na ako sa loob, Aling Rhoda." Paalam ko sakaniya. Tumango naman ito at ngumiti.

"Sige lang, Mavis! Nag e'enjoy pa ako rito, eh." Tumango ako.

Tumingin ako kay Unique. Nakatingin na din pala siya sa akin.

"Tara na.." mahinang saad ko.

Naglakad na ako. Agad naman siyang sumunod sa akin. Napahawak ako sa aking puso. Kinakabahan ako!

"Mommy?" Tawag ng anak ko.

Unti-unting lumawak ang kaniyang ngiti. "Daddy?"

Tumayo siya sa pagkakaupo. Katabi niya si Mommy sa sofa. Nakangiti rin ito habang nakatingin sa amin. Mia looked at me with permission. I nodded and gave her a space to come to her Father.

Lumingon ako sa kanila.

"Big girl na ako! Hindi na ako umiiyak ng basta-basta! Hindi na din kita masyado hinahanap kasi sabi ni Mommy saka ni Lola Mommy na babalik ka galing abroad!" Kinagat ko ang pang ibabang labi ko habang nakatingin sa kanila.

Nagtaka si Unique sa sinabi ng aming anak pero lumuhod ito at niyakap ang anak namin.

"Mavis..." narinig kong tawag sa akin ni Mommy. Naramdaman ko ang hawak niya sa aking balikat.

"Bakit ang tagal mong nawala, Daddy? Alam mo ba si Mommy nahihirapan siyang palakihin ako. Dati lahat ng gusto ko hindi niya nabibili sa akin dahil wala kaming pera pero ok lang kasi ngayon nakita na kita! Best gift!"

Napahawak ako sa aking bibig. I stopped myself from crying. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Akala ko tatanggapin lang siya ni Mia. Gano'n lang pero 'di ko aakalahin na pati sasabihin niya ang paghihirap namin.

"Ang name ko po ay Mialope Obilerios Hernandez!" Pakilala pa ni Mia nang makalas na ang kanilang yakap.

Tumango si Unique. "I understand." May lungkot sa kaniyang mukha.

"Bakit Daddy? Ayaw mo sa pangalan ko?"

He chuckled. "No, Mia... I... like your name. Maganda." Sabi nito at tumingin sa akin.

Umawang ang labi ko. "Magluluto lang ako ng breakfast." Bulong sa akin ni Mommy.

"Kakakain lang ni Mia." Sabi ko sakaniya.

"Si Unique ang papakainin."

"Hayaan niyo 'yan." Natawa sa akin si Mommy.

"Wala na ba talaga?" Ngumuso ako at umiling. Kiniliti ko siya sa tagiliran niya. Lumayo sa akin si Mommy. "Nagtatanong lang, sige na doon na ako."

"Mommy, bakit hindi ka lumapit sa amin? Nahihiya ka ba kay Daddy?" Hindi ko aasahan 'yon kay Mia. Inosente siyang nagtatakang nakatingin sa akin.

Lumapit ako sa kanila at tipid na ngumiti. Lumapit nga ako ngunit nando'n parin ang distance dahil ayaw kong masyadong malapit.

Nagulat naman ako nang hinapit niy Unique ang bewang ko at inilapit sa kanila lalo. Mia giggled.

"Ga-" hindi natuloy nang maalala kong kasama pala namin si Mia. Gago 'to, ah!? Parang hindi man kami nagkalayo ng ganoong katagal!? "Tutulong ako kay Mommy sa pag prepare."

"Natikman ko ang cake mo. Masarap, naubos ko." Tumaas naman ang kilay ko.

"Alam ko." Sagot ko nalang at inalis ang hawak niya sa akin. Ngumisi naman ito.

My Love From The Stage Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon