Chapter 24

38 3 3
                                    

Chapter 24

Tired

We spent the remaining days with Tita after naming lumakbay ng kaming dalawa lang ni Unique. To be honest, it was so much fun that I wished for more days with them pero alam kong kailangan din ako ng pamilya ko.

Sa isip ko pumapasok parin si Tin. Alam ko nagka-girlfriend siya, at alam ko tapos na sila. Pero bakit niya pa pinipilit ang sarili niya? May iba akong iniisip na rason pero mas mabuti sigurong huwag ko nalang isipin.

"Araw-araw nalang 'tong balita sa dating idolo mo, Mavis. Parang hindi na siya magandang idolohin." Si Mommy nang makita nanaman ang mukha ni Unique na trending ulit.

Nagtaka naman ako kaya napatingin din.

My eyes widen when I saw the TV. It was his ex and him. Ano? Hindi ba't nasa South Korea lang din siya? Ano nanaman ginagawa niya dito at pareho pa silang nasa balita!?

I was furious. Siguro kagagawan nanaman ng Nanay ni Unique, pero alam ko ayaw niya din sa babae kaya imposible naman siguro na magkita sila ano?

But before I could text Unique. He already explained in my notification.

_unqe: nagsabwatan si Mommy at Tin. I didn't know they would go this far, Mavis. I will do my very best to make my Mom stop. Please trust me on this. I love you.

Kinagat ko ang pang ibabang labi. Nauna ko nanaman ang galit ko. I was guilty.

_mavs: pero nakipagkita ka sakaniya?

_unqe: kasama si mommy don dahil pinipilit niya ako sakaniya. It's just the same day, Mavis.

Agad niya namang reply sa akin. Huminga ako ng malalim at natakot. May tiwala ako kay Unique pero sa Nanay niya wala. Ngayon ko lang napagtanto na lahat gagawin niya para lang hindi kami magkatuluyan. Hindi ko alam na gano'n pala talaga siyang tao.

Does Tita knows about this?

Sumunod ang ilang araw. Marami parin ang lumalabas na balita sakaniya. Pati si Mommy nauumay na dahil siya nalang lagi ang laman ng balita.

Ako naman ay hindi ko na binibigyan ng pansin.

"Iba na din talaga 'to. Dati magandang idolohin, idol mo pa ba 'to Mavis?" Tanong ni Mommy.

Hindi naman ako makasagot agad.

Oo, My. Idol at boyfriend ko na.

Gusto kong isagot 'yon pero alam kong magugulat siya at baka maatake pa. Mas lalo tuloy ayaw kong sabihin dahil sa mga nasasabi niya. Kinakabahan ako para sa birthday ko. My birthday is near and news about Unique is not stopping.

_unqe: can I see you? :((

_mavs: ok lang ba sa agency mo? Hindi ba sila mahigpit sayo sa dami ng balita sayo nitong nakaraang araw?

_unqe: I don't even care anymore, Mavis. Pagod na ako, kailangan kita.

Agad naman akong naawa sakaniya. He keeps on explaining and saying sorry to me kada may balita sakaniya. Tinatawagan niya pa ako para lang i-assure ako na hindi totoo 'yun.

Ni hindi na nga siya lumalabas ng bahay ay mayro'n parin siyang issue. I just can't believe that her Mother would do this. Sobrang baba ng tingin niya sa akin.

Kaya pumayag na akong makipagkita sa kaniya. Dinala niya ako sa guesthouse niya. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"I wanna quit, Mavis." Ramdam ko ang pagod sakaniyang boses.

Agad ko naman siyang niyakap pabalik. Nanghina siya to the point na bumagsak kami sa sahig pero hindi naman masakit.

"Ayaw ko na. Ayaw ko ng naguguluhan ka kung totoo ba ang nakikita mo. I am not tired of explaining but you don't deserve this, Mavis." He added.

My Love From The Stage Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon