Chapter 35
End
"Happy birthday to you!" Kanta nila sa aking anak. Nakisabay din ako roon at kitang-kita ang kasayahan sa mukha ng aking anak.
"Thank you po!" Masayang pasasalamat ng aking Anak habang may malaking ngiti sa labi.
Her friends in her school also came. Dalawang kaibigan ko nandito, isa din sa mga tumulong at nag asikaso para sa birthday ni Mia.
"Mommy," lumapit sa akin si Mia.
Nagulat ako dahil alam ko kasama niya ang mga kaibigan niya. Pero ngumiti parin ako at tumingin sakaniya.
"Yes?" Medyo malungkot ang kaniyang mukha kaya naman bahagyang nangunot ang noo ko at seryosong tumingin sakaniya ngayon. "What happened?" Seryosong tanong ko.
"Is it true that I have a twin?" Umawang ang labi ko. Tumingin ako sa paligid. "Sabi sa akin ni Lola Mommy meron daw kasi wish ko po ng baby brother." Nag-init ang mukha ko sa sinabi niya sa akin.
Mabuti nalang wala dito si Unique!
"Yes, you had a twin, Mia..." I confessed to her.
Hindi ko sinabi dahil ayaw ko naman siyang masaktan at bata pa. Hindi ko naman alam na sasabihin pala sakaniya ni Mommy. I guess she needs to know. Pero bakit gano'n naman ang request niya? Baby Brother? Para may kalaro gano'n.
"Nasa'n po siya?" Kuminang ang kaniyang mata.
Mas lalo naman naging mahirap ngayon ito sa akin. I never thought that this day would come earlier than I expected dahil hindi pa ako handang pag-usapan ulit.
"He's... gone, Mia.." pumikit ako.
"Gone? Bakit ano pong nangyari sa kaniya?" Mas lalong kumirot ang puso ko sa inosente niyang tannong na 'yon.
"Your brother didn't make it like you did, Mia." Umawang ang kaniyang labi tila naintindihan na ang aking sinabi.
"We'll just give you little brother, ok?" Nagulat ako roon. Napatingin ako at nasa tabi ko na si Unique!
Ngumiti si Mia. "Talaga, Daddy? Bukas po nandiyan niya?" Tumaas ang kilay ko. Napahawak nalang ako sa aking ulo at napailing.
Mabuti nalang at si Unique na ang sumagot sa nga katanungan ni Mia.
"Now, may I know where is our son?" Nang makaalis na si Mia, ngayon siya naman ang nagtanong. Huminga ako ng malalim.
"You wanna come to him tomorrow?" Mahinang tanong ko naman rito. Seryosong nakatingin sakaniya. "Matagal-tagal na din no'ng huling bisita ko sakaniya." Nalungkot tuloy ako dahil medyo na busy ako at hindi nakabisita kay Skye.
"Did... you name him?" Tumango naman ako. Nakita ko ang sakit sa kaniyang mata. Like this is also difficult for him. And I understood that. "What is his name?" He asked more.
"Skye Louvre Hernandez, Unique." Tumango siya. Inakbayan niya ako na ikinagulat kong muli pero hindi ko naman siya tinulak papalayo.
"We should change that next month." He told me. I just smiled and didn't argue with him.
We watched our daughter play, and received gifts from different people. Si Elli din nakapunta at maganda rin ang regalo niya. Sa venue kami nag celebratre and Unique was the one who paid for everything.
He's so rich. Hindi ko parin natatanong hanggang ngayon kung ano ang trabaho niya.
"My, pupunta po kami kay Skye." Paalam ko kay Mommy.
"Ate." Nanlaki ang dalawang mata ko dahil nandito si Scarlet.
Mabilis akong bumaba at niyakap ang aking kapatid. "Bakit ngayon ka lang!? Hindi ka nakapunta sa kaarawan ni Mia!" Kunwari pa akong nagtampo sakaniya. Natawa naman ito.
BINABASA MO ANG
My Love From The Stage
RomanceMavis is a number 1 fan of Dominique Juarez or DJ. DJ is a famous singer and a writer, many people in the Philippines adored him, not until Mavis entered his life, everywhere he goes, Mavis is there, it's getting out of control. Until he can't take...