Kahit sa kaloob-looban ko ay hindi ako natutuwa sa mga nangyayari ngayon! Naiinis ako dahil pakiramdam ko wala naman akong choice!
Wala akong pagpipilian!
"Malapit na tayo," sabi niya sa akin.
Ano naman ang pakialam ko kung malapit na kami?! I gave him an option, but he didn't take it! Buti nalang talaga wala akong kakilala rito sa bagong papasukan kong skwelahan.
Bago kami makarating doon sa skwelahang papasukan ko ay may madadaanan muna kaming mga nakahilerang mga puno. Sa gilid naman nito ay ang malawak na taniman ng mga mangga at ang iba pang mga prutas. May nakita rin akong malaking factory.
Ibinaling ko nalang ang aking atensyon sa mga tanawin. Well, it is not bad actually. Mabuti na lamang at may sariwang hangin dito, dahil kung wala, baka kanina pa ako nahimatay nang dahil sa stress!
I didn't hold him. S'yempre, hindi ko siya sinunod, kahit mahulog ako sa cheap niyang motor ay hindi ako kakapit sa kaniya. Sa likod ako ng motor humawak.
Nang makarating na kami sa MSU ay umawang ang aking bibig. I really thought that universities were only big in places like Manila, but this one is actually huge! Malayo pa lamang kami ay unti-unti ko nang nakikita ang mga studyanteng pumapasok at lumalabas ng school.
Some of them are wearing their uniforms. Ang iba naman ay nakasuot ng lab coat.
Nabalik lang ako sa realidad nang biglang huminto si Leister sa pagmamaneho ng kaniyang motor.
"Nandito na tayo. Sumunod ka nalang sa akin, dahil sasamahan kita hanggang loob."
I can't believe this guy! Pati ba naman dito ay susundan niya ako?! Kaya ko na ang sarili ko!
"You don't have to do this, Leister, right?" Sarkastiko kong sabi sa kaniya.
Nakita ko ang pag-awang ng kaniyang bibig. He play with his tongue and think very carefully. Parang nauubosan ng pasensya, pero pinipilit ang sarili na kontrolin ang galit na nararamdaman.
"You're new here, right? It is my responsibility to take care of you here, in this moment, at this time. I hope you understand this, Celestine, right? I am doing this for Lola Cristy, not for you." Malamig niyang sabi sa akin, bago bumaba sa kaniyang motor nang magkasalubong ang magkabilang kilay.
Hindi na lamang ako sumagot sa kaniya at baka pagtalunan pa naming dalawa ito. Hindi pa naman ako nagpapatalo kahit kanino! Inirapan ko nalang siya at nauna nang pumasok sa loob ng unibersidad.
I will be continuing my senior year of high school at this school. I have heard that they offered a track that was under science, technology, and mathematics. Kung ganoon, mabuti naman at hindi na ako mahihirapan pa. Since I am a transferre student, all I need to do is to adjust!
Taas-noo kong hinanap at tinungo ang registrar's office. I didn't even mind the students who were looking at me like they were confused about me!
Ang iba naman ay tinitignan ako nang mula ulo hanggang paa. Wait, is this their first time seeing a rich, hot girl that was born in Manila? Napatigil ako sa paglalakad nang makita kong malayo na pala ang aking nalakad.
This is torture! Kinapa ko ang aking sling bag at hinanap ang aking pamaypay, nang maalala kong nailagay ko nga pala iyon sa ibabaw ng aking kama.
Marahas akong napabuntong hininga at napaikot sa aking mga mata nang dahil sa inis!
Basang-basa na ang likuran ko at ang aking leeg! I need anothet handkerchief! Tinanggal ko muna ang sunglasses na suot-suot ko at umupo muna ako sa may bakanteng upuan. May mga benches naman na katabi lamang sa daanan.
BINABASA MO ANG
Walking back Home (Martensen Series #2)
Teen FictionNag-uumapaw sa galit ang isang Celestine Myrrh Lagare nang malaman niya na ililipat siya sa isang mamahaling skwelahan sa Iligan City. She is mad and furious at her mother, but she couldn't do anything about it. She waited and waited for months to g...