Chapter 28

16 1 0
                                    

This is unedited version of Chapter 28. I really want to edit this one, pero, nagloloko ang cellphone ko.

***

Chapter 28

My heart was still aching; it feels like it's slowly breaking into smaller pieces. At hinding hindi ko na ito mabubuo pang muli. Sobrang sakit. Hindi ko inakala na mangyayari ang lahat nang ito.

Leister didn't even want to listen to my explanation. He didn't even bother to hear my side. Umalis nalang bigla at hindi na muling nagparamdam sa akin. Nagkasakit ako kinaumagahan nang dahil sa ulan kagabi. Matagal akong nanatili roon, nagbabakasaling bumalik siya.

After how many minutes, he didn't go back to me. I was alone on the road. Crying, sobbing, and hurting. Hindi ko ininda ang malamig na tubig na nagmumula sa kalangitan. Hindi ko dinama ang kulog at nanatiling naghihintay sa kaniya roon.

I licked my lower lip as I kept on looking at my phone. Tumulo na naman ang aking mga luha nang mapansin kong hindi man lang siya tumawag sa akin, simula kagabi. Hindi ko alam kung... totoo ba talaga na mahal niya ako? O, pinaglalaruan lang niya. Hindi man lang niya ako inisip! Hindi man lang niya inisip ang mararamdaman ko ngayon sa pag-iiwas niya sa akin! How could he be so reckless to me?!

Pagkatapos nang mga nangyari, hindi ko na kinausap pa si Mommy ulit. Kahit na pagsabihan niya ako na walang modo at bastos. I was hurt, real bad. Hindi siya kailanman makikinig sa akin, hindi siya kailanman nagbigay ng atensyon sa akin. Maybe there were some, but all of those were given because of my failure. Not just because I did something right and good. Hindi ko na alam kung sino ang puwede kong masandalan sa mga oras na ito.

My friend Samantha was still here. Halos sugurin na ako ni Mommy sa aking kwarto dahil hindi na ako lumalabas. Mommy accompanied Samantha and Jaymhark outside. She toured them here in Iligan without my presence. Hinding hindi na niya ako mapipilit pa. Pinagbawalan na niya akong makipagkita kay Leister, at gusto p talagang kunin ang aking cellphone, mabuti na lamang at pinigilan siya ni Lola Cristy. Sobra, sobra na ang lahat nang ito! Si Daddy naman, nasa ibang bansa, minsan lang kung tumawag sa akin. He's so busy to the point that he forgot his daughter here.

Naiintindihan naman ako ni Samantha na kailangan ko munang mapag-isa. She witnessed my mother's sentiments towards Leister. She witnessed how my mother hated Leister. Iyon ang gusto kong malaman mula kay Mommy. Iyon ang gusto kong malaman kung bakit... labis ang pagkagalit niya sa mga Martensen.

May history ba sila?

Mababaliw ata ako kakaisip kung ipagpapatuloy ko ang pagmumukmok ko rito sa aking kwarto. Gustong gusto kong puntahan si Leister sa bahay nila at kamustahin. Gustong gusto ko siyang yakapin at humingi nang kapatawaran.

Nabuhay ang kalooban ko nang makabuo ako ng plano sa aking isipan.

Kaagad akong kumilos at nagbihis nang pambahay na damit. I was wearing a gray sweatpants and a black hoodie. Lalabas ako ngayon. Wala ngayon sa bahay sina Samantha at Jaymhark, lalong lalo na si Mommy. Mukhang may pinuntahan sila sa Mall at matatagalan pa.

I just have to deal with Lola Cristy now. Siguro naman ay maiintindihan ako ni Lola sa gagawin ko ngayon. Nag-aalala lang talaga ako kay Leister at gustong gusto ko na siyang makita at makausap. I don't want to regret all of this in the end. Ipaglalaban ko 'to hanggang kaya ko.

Dahan-dahan akong bumaba sa hagdanan at inilibot ang aking paningin. Maaliwalas ang sofa at lalog lalo na ang dining area. Mukhang nasa garden si Lola Cristy, hapun na kasi at tuwing pagsapit ng hapon ay nagdidilig iyon nang mga halaman. My heart is beating so fast! I feel like I am a criminal, doing something bad!

Walking back Home (Martensen Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon