Chapter 30

21 0 0
                                    

Chapter 30

Hindi ako naging sang-ayon sa gustong mangyari ni Leister, pero, wala rin naman akong magagawa. My heart ached when I saw him smile for one last time. Ang mga ngiting iyon ay nagbibigay inspirasyon para lamang sumunod sa mga gusto niya. Kahit na ayoko.

Hanggang ngayon… masakit pa rin sa akin at parang dinudurog ang aking damdamin nang makita ko ang lahat nang mga maleta ko sa kwarto. Mommy was firm about leaving Iligan. She doesn’t want this place anymore, but I slowly love this place. I slowly accepted and embraced not just the ambiance here... but also the people who lived here. The people who become my source of serotonin. Lahat nang iyon ay maiiwan ko. I hate leaving Iligan!

I wiped my tears when I heard the voice of Mommy behind my back. Marahas kong inalis ang aking mga luha at nagkukunwaring abala ako sa pag-aayos ng iba ko pang mga damit. Malakas ang ulan sa labas at kumukulog rin, pero, tuloy ang byahe namin ngayon pabalik ng Manila. Habang si Daddy naman ay naghihintay lamang sa Manila. Kauuwi lang niya galing abroad.

“Are you done packing your things, Cece? We need to leave right away.” Malamig na sabi ni Mommy sa akin.

I rolled my eyes secretly and nodded. Madali lang para sa kaniya ang umalis at isama ako, hindi man lang niya ako inisip at hindi man lang niya inisip rin ang mararamdaman ko. All she cares about was herself. Nasaktan rin naman ako sa mga nangyari sa kaniya noon, dahil Mommy ko siya at masasaktan rin ako. Pero, paano ako? Paano ang sarili ko rin na kaligayahan? Do I need to sacrifice mine just to have peace with my mother? Iyon ba ‘yun?

Pero, matagal nang wala silang dalawa ni Tito Duke. Ilang taon na ang nakalilipas. Can we just buried it all in the past and just continue to live in the present? Bakit hindi iyon kayang gawin ni Mommy? Bakit hanggang ngayon ay mas pumapaibabaw ang galit na nararamdaman niya para sa mga Martensen, kay Tito Duke.

“My, malakas ang ulan sa labas. Baka… mapano tayo,” nag-aalala kong sabi sa kaniya, bago ko isinarado ang zipper ng aking isang maleta.

Marahas siyang bumuntong hininga at umiling Kibit-balikat lamang ito habang nakatayo sa aking gilid. The bad weather is getting stronger, and I don't think the authorities will let us go in this kind of weather situation. 

“Ayoko nang magtagal pa rito, Celestine. I’ve contacted my friend and our pilot jet is waiting for us.” Malamig na sagot sa akin ni Mommy pabalik.

Bagsak ang aking balikat at wala man lang akong nagawa kung hindi ang tumango sa kaniya. Pagkatapos niya akong kausapin ay kaagad rin naman siyang bumaba at umalis ng aking kwarto. Nabuhayan ang loob ko nang biglang umilaw ang aking cellphone at nagmamadali naman akong kinuha iyon para tignan.

It was an account from Rios, Leister’s cousin. Pagbukas ko ay nakita ko ang isang nakangiting picture ni Leister, still in the hospital bed. Nakita ko rin ang pagtitipa nito ng mensahe.

I bit my lower lip, and my heart is happy somehow. Even after all that happens. We manage to survive. Leister is always finding a way to communicate with me, to talk to me, and even to see me. A man who truly wants you would always find a way to do things for you. Kahit mahirap, kahit masalimuot, gagawa at gagawa pa rin talaga ng paraan.

From: Leister

I will miss you, pangga. Just always take care of yourself and your health. I know it won’t be easy for the both of us but we need to sacrifice. Just trust me, we’ll make it.

Tuluyan nang tumulo ang aking mga luha at napahawak ako sa aking dibdib. My tears falling down my cheeks like river. Mabuti nalang at malakas ang ulan sa labas at kahit ang aking pag-iyak ay hindi maririnig nila Lola Cristy at Mommy. Ngayon ko lang napagtanto kung gaano kaingat si Leister sa isang relasyon, kahit na wala pang kami, inaalagaan na niya ako, at hindi niya kailanman sinubukan gumawa nang mga bagay na alam niyang ikakagalit ko.

Walking back Home (Martensen Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon