Chapter 35

8 0 0
                                    

Chapter 35

Nanghina ako noong nalaman ko ang mga masasakit na netanggap galing kay Leister. Iyak ako nang iyak at hindi ako lumalabas ng aking kwarto. Mommy was having a hard time on how to talk to me. Sa mga panahong iyon… para na rin akong pinatay ni Leister.

Walang lumipas na gabi na hindi ako umiiyak. Even in the middle of the night, I still cry and cry. Hindi ko lubos maisip na kaya akong saktan ni Leister nang ganito! Hindi ko lubos maisip na kaya niyang kunin ang kaligayahan ko at saktan ako nang ganito kalalim. Pati ang pag-aaral ko ay naaapektuhan nang dahil sa mga nangyayari. Galit na galit si Mommy noong nalaman na naman niyang nakipag-usap akong muli kay Leister. She was devastated and doesn’t know what to do with me anymore.

Tulala ako nang pumasok si Mommy sa aking kwarto. May dala itong food tray at narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga niya. Dahan-dahan niyang inilagay ang tray sa bedside table.

Tumabi ito sa akin sa pag-upo at hinaplos ang aking buhok.

“I’m not a perfect mother to you, but I am doing my best just to get you away with this kind of pain. Dumating ang pinakatinatakotan ko anak… hi-hindi ko kayang nakikita kitang ganito nang dahil sa isang lalaki. I don’t want you to be like me…” naiiyak na sabi ni Mommy sa akin.

Hindi ko siya sinagot at pinili na lamang ang manahimik. Wala akong lakas ng loob para kausapin siya ngayon.

“This is the reason why I forced to bring you here with me. Dahil alam ko kung paano ka magmahal, Celestine. At mas lalo akong nasaktan nang malaman kong sa anak pa ni Duke. I know this will happen. Saan ba nga naman magmamana ang batang iyon? Panigurado akong sa ama niyang manloloko rin gaya niya.” May bahid na galit ang pagkakasabi niya sa akin ng mga salitang iyon.

Inaamin ko, nagpakatanga ako at sinubukan ko pa rin na kausapin siyang muli. To have a closure, to make things clear. Hindi ko alam kung iyon ba talaga ang gusto ng damdamin ko, pero, gusto kong marinig muli ang mga iyon mula sa kaniya. For one last time.

Nakiusap ako kay Mommy na uuwi ako ng Pilipinas. I cried and almost begged her. Nagalit siya sa akin lalo ngunit ipinangako ko sa kaniyang magiging pang huli na ito. This will be the last time and I will forget him for good. Pumayag si Mommy sa gusto kong mangyari at hindi na niya ako sinamahan pang bumalik ng Pilipinas. Umuwi ako nang mag-isa.

I went to Iligan City again just to see him and to make this things clear. Akala ko ay magiging maayos ang pag-uusap naming muli ngunit nagkamali ako at mas lalong nagsisi nang makita ko siyang muli nang kasama si Klyr.

It broke my heart again. It feels like he slowly cut my heart using a dagger until it bleeds more and more. Napakurap-kurap pa ako nang makita kong pinagbuksan niya ng sasakyan si Klyr sa passenger’s seat. Mukhang kagagaling lamang nila sa isang date.

Mga hayop!

Nang dahil sa galit ko ay tumakbo ako papunta sa direksyon nila at nang umandar na ang sasakyan ni Leister ay kaagad akong pumagitna roon.

Napahiyaw pa ako sa takot nang muntik na niya akong mabangga!

Shit!

Nang dahil sa nangyari ay napatumba ako at nasugatan pa sa may siko. Napapikit ako nang dahil sa sakit, pero, hindi ko na iyon inabala pa at dahan-dahan akong tumayo.

Nakita ko ang marahas na paglabas ni Leister at para itong nakakita ng multo nang makita niya akong muli. Nagtagal ang paningin nito sa akin at umawang ang kaniyang bibig. He was too stunned to speak.

Nilingon ko si Klyr at nakita ko rin ang gulat sa kaniyang mga mata. Bakit? Hindi n’yo ba inasahan ang pagdating ko?

“Leister, we need to talk.” Awtoridad kong sabi sa kaniya.

Walking back Home (Martensen Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon