Chapter 7

21 6 7
                                    

Dumating ang sabado at nagpapasalamat ako dahil makakapagpahinga na rin ako sa wakas.

Daddy said that they would visit me here next weekend. Hindi raw muna sila makakapunta ngayong linggo dahil abala pa rin sila sa negosyo. My mom has a hectic schedule, as does my dad. 

Nagtatampo nga ako sa kanila dahil parang pinababayaan na nila ako rito sa Iligan. They totally forgot about me. I honestly don't like to be here.

I hate the place, I hate the people, and I hate the ambiance.

I don't even have friends in school. I don't even consider Leister a friend, dahil hindi naman siya namamansin sa akin. After what happened, they became even closer to each other. Si Leister ay tumatabi na palagi kay Klyr, tuwing may class. Tinutukso na rin silang dalawa ng ibang mga ka-klase namin.

I know there is something between them, but I don't want to indulge in their relationship anymore. Wala rin naman akong pakialam.

I was having my first morning coffee here in the garden of my Lola Cristy, at kausap ko ngayon si Samantha.

"So, do you like your new school there, Cece?" Panunukso niyang pagtatanong sa akin.

I rolled my eyes at her; she knows already that I don't like to be here. Tinutukso pa niya ako lalo.

"Why are you asking, Sam? You already know the answer. Alam na alam mo na," inis kong sabi sa kaniya.

Dito ako sa garden tumambay dahil presko ang hangin rito. This is my only place here, despite all the circumstances that I have had in the past few days. Palagi nalang kasi akong nag-a-adjust. Sinasanay ko na rin ang aking katawan na gumising ng maaga, dahil maagang gumigising si Lola Cristy.

She's already awake at five in the morning! Eh, alas nuebe akong gumigising sa bahay namin, kaya naninibago pa rin ako at sinasanay ko pa rin ang aking sarili na gumising ng maaga.

"If you weren't that bad bitch, edi sana, wala ka diyan ngayon." Panunumbat sa akin ni Samantha.

Sumimsim muna ako sa gatas na ginawa ko, bago ko siya sinagot.

"You know my mother, kahit na gumawa ako ng tama, kulang pa rin iyon para sa kaniya. Hindi ko nga alam kung hanggang kailan ako rito. I hate to be here, I don't want to be here."

She's laughing sarcastically at me. I missed my old life in Manila. Iyong tipong tatakas ako para dadalo sa isang party ng kaibigan.

Dito, wala akong ibang mapupuntahan. Bahay, skwela, iyon lang ang parati kong ginagawa.

"Anyways, Jaymhark asked me about your location. Miss ka na raw niya," ani Samantha.

Napatigil ako sa aking pag-inom ng gatas at napatingin sa malapad na screen na nasa aking harapan.

"Sinabi mo?"

"Of course not! Ang sabi ko lang sa kaniya ay mas mabuting kausapin mo nalang si Cece tungkol riyan. Cece, he likes you a lot!" She said like she was so sure about it.

I opened my cellphone, and I saw some messages from Jaymhark. I actually want to be vocal with him. Ayokong umasa siya akin, ayokong magkagusto siya sa akin. Dahil kahit anong gawin niya ay hinding-hindi ko siya kayang magustuhan.

Marami naman akong naging flings, but I ended breaking up with them. Ayoko kasi talaga na nasasakal ako. Mabilis akong magsawa at mabilis rin akong makalimot.

"You know the answer to that, Sam."

"Bigyan mo nalang kasi ng chance! What if... he's really the guy who would take the risk just for you? Ayaw mo pa rin?"

Walking back Home (Martensen Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon