"Kamusta naman ang pag-aaral mo rito, hija?" Pagtatanong ni Papa, habang hawak-hawak ko pa rin siya sa gilid.
We are now heading to the exit of the airport. Kaagad ko siyang niyakap nang napakahigpit nang makita ko siyang muli. I did the same thing with Mom, I hugged her too. Napatingin sa akin si Mommy nang yumakap ako sa kaniya kanina, she was still holding her phone like there is something important to it. Napalingon ako kay Mommy at nakatutok pa rin ang kaniyang mga mata sa kaniyang cellphone.
She is too busy to recognise me or even ask me about my past weeks here in Iligan City.
"It's fine, Dad. Naninibago lamang po ako sa ambiance ng lugar, but I think I can handle it, very soon." Malungkot kong sabi kay Daddy.
Daddy chuckled at me and smiled. Palabas na kami ngayon ng airport, at ang dalawang bodyguards na kasama nila Mommy galing Manila ay abala ito sa pagtutulak ng kanilang mga maleta at pasalubong.
"Are you sure? It doesn't seem like it, anak. Pasensya ka na at wala akong magagawa na pilitin ang Mommy mo na ibalik ka ng Manila." Pagpapaliwanag sa akin ni Daddy.
I pouted at him and just accept the truth that I am really going to stuck here... forever...
"It's okay, Dad. Naiintindihan ko naman po 'yon. I guess I just don't have a choice but to be here."
"Magpakabait ka nalang para magbago ang isipan ng Mommy mo." Sabi sa akin ni Daddy, bago kami pinagbuksan ng pintuan ng aming driver.
"Huwag ka na mag-alala pa, Geoffrey, ako na ang bahala rito sa apo ko. Hindi ko naman 'yan pinapabayaan." Singit ni Lola Cristy sa usapan namin ni Daddy.
"Maraming salamat po sa pag-aalaga kay Celestine, Ma." Ani Daddy, bago ibinaling ang atensyon sa akin.
"Marami akong binili para sa'yo, hija. You'll surely like it."
Having a small conversation with Dad, makes my day complete. Honestly speaking, mas close ako kay Daddy, kaysa kay Mommy. I just love to have a conversation with Dad, rather than Mom. Si Mommy kasi ay walang ibang iniisip kung hindi ang trabaho. Kagaya ngayon, kahit nasa loob na kami ng sasakyan, ay panay pa rin ang tingin niya sa kaniyang cellphone.
She didn't even mind me here! Or tell me she misses me!
Nang makarating na kami sa bahay ay kaagad kong tinulungan si Lola Cristy na ilagay sa dining area ang lahat nang mga niluto niyang mga pagkain kanina. Kumunot pa ang aking noo nang makarating kami rito na wala na ang sasakyan ni Leister.
Did he really think that I am not serious about it. Pwes! Seryosong-seryoso ako! Anong tingin niya sa akin? Mahina pagdating sa academics? I don't think he is full aware about my achievements and about the things that I can actually do. I was a valedictorian in Elementary, and I was also an academic achiever in my junior years. Wala pang events na natalo noong mga sinalihan ko.
"Hija, mukhang ang lalim naman ata nang iniisip mo?"
Nabalik lang ako sa realidad nang biglang magsalita si Lola Cristy sa aking gilid. Kumunot ang aking noo at umawang ang aking bibig nang mapansin kong kanina pa pala napuno ang baso na nilagyan ko ng tubig!
Shit!
Kaagad ko itong pinunasan, habang naririnig ko ang munting halakhak ni Lola.
Anong nakakatawa?
"Wa-wala po," maikli kong sagot sa kaniya, habang dahan-dahan kong pinunasan ang parte na nabasa ko ng tubig.
"Mukhang... napapalapit na ang loob mo sa batang Martensen."
Napalingon ako sa kaniya nang mapansin ko ang pagiging seryoso sa tono ng kaniyang boses.
"We're not actually friend, Lola. Magka-klase lamang po kaming dalawa ni Leister. Iyon lang po," pagdadahilan ko sa kaniya dahil iyon naman talaga ang totoo.
BINABASA MO ANG
Walking back Home (Martensen Series #2)
Teen FictionNag-uumapaw sa galit ang isang Celestine Myrrh Lagare nang malaman niya na ililipat siya sa isang mamahaling skwelahan sa Iligan City. She is mad and furious at her mother, but she couldn't do anything about it. She waited and waited for months to g...