Chapter 31

10 0 0
                                    

Chapter 31

It was a cold morning when I saw Daddy sipping on his black coffee. Wala si Mommy dahil dumiretso muna ito sa opisina para ipaalam sa lahat na aalis na kami. Daddy will take over the company here in the Philippines, and he’ll manage it temporarily since he also has other businesses in some countries. 

Mahigpit ang pagkakahawak ko sa aking sling bag at bumuntong hininga nang may tapang. Unti-unti akong lumapit sa kaniyang direksyon at nakita ko ang paglingon niya sa akin.

“Do you need anything, anak?” He asked me.

Ngayon ko lang nadiskubre ang iilang wrinkles ni Daddy. Maybe because he wasn’t here. He was in States for so many months. At sa internet ko lamang siya nakakausap through video calls. Kaya siguro ay hindi ko napapansin na… tumatanda na pala si Daddy. Kahit na matanda na siya, gwapo pa rin naman si Daddy. He was a total bad boy way back in his twenties.

“Wala po… gusto ko lang po sanang magpaalam sa inyo.” Mahinahon kong sabi sa kaniya.

Umawang ang kaniyang bibig at napakurap-kurap siya. He tapped the other bar stool and smiled at me.

Kaagad akong umupo sa kaniyang tabi at pinagmasdan ko lamang siyang nakatuon ang buong atensyon sa kaniyang baso.

“I’m sorry, Celestine… I’m not a good father.”

Nabigla ako sa sinabi ni Daddy nang marinig ko ang mga salitang iyon galing sa kaniya.

I shook my head and response.

“No, Dad… you’re a good father to me. Mas paborito pa nga kita kaysa kay Mommy,” unti-unting humina ang boses ko nang banggitin ko si Mommy.

He chuckled, but all I see in his eyes is pain. I don’t know how long he has been bearing this kind of pain. Tuwing magkasama kasi kami ni Daddy ay hindi siya ganito noon, masayahing Geoffrey ang nakikita ko. Ngayon ko lamang siya nakitang ganito.

And it was because of Mommy…

“Really? Is that true?” pagtatanong niya sa akin.

Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi at unti-unting tumango.

“Despite of your mother’s flaws and imperfections… you should still choose your Mom to be your Mom. May mga pagkakataong … ayaw mo sa kaniya, pilian mo pa rin siya.  Because that is what I did… I chose her, despite of her imperfections… despite of her shallow love.”

Nagulat ako sa mga sinabi ni Daddy at hindi kaagad ako nakasagot. Pakiramdam ko… nilalabas ni Daddy lahat nang hinanakit niya kay Mommy.

“Dad… bakit n’yo pa rin pinili si Mommy kung… may mahal naman pala siyang iba?”

Bumuntong hininga si Daddy, bago niya ako sinagot.

“Because in her darkness times… no one’s there for her. Iniwan siya ni Duke, hindi matanggap ng Lola Cristy mo ang ginawa ng Mommy mo, ang pagkakaroon ng relasyon, maybe because she wanted to have a perfect daughter. Walang natira para sa kaniya. Wala siyang kakampi.”

Dad didn’t think about himself, he didn’t worry for himself. Ang inaalala lang niya ay ang kaligayahan ni Mommy. All this time… he did it all for Mommy. All of it.

“You stayed? Even Mommy didn’t love you?”

Umawang ang kaniyang bibig at unti-unti siyang tumango sa akin.

“I stayed because she needs me, not because she wants me, hija. I let her used me in many ways. Dahil alam kong… sa ganoong paraan, mararamdaman ko siya. Sa ganoong paraan, kailangan niya ako. Yes, loving your mother was a perfect choice for me. Hindi ako kailanman nagreklamo kung wala siyang maibibigay sa aking pagmamahal. Basta nandito lang ako… palagi… ayos na sa akin ‘yun. She was my home, anak. Maligaw man ako, siya ang gagawin kong kumpas para makabalik ako sa kaniya. Kahit masakit, kahit hanggang ngayon… si Duke pa rin. Ayos lang sa akin,” Daddy’s words were deep and keeps bleeding.

Walking back Home (Martensen Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon