Chapter 25

22 3 0
                                    

Chapter 25

“You didn’t tell me you have a friend already here in Iligan, Celestine.” Mommy smirked at me while raising her right eyebrow.

Wala akong ibang naririnig ngayon kung hindi ang malakas na pagkalabog ng aking dibdib. Nang sabihin ni Lola Cristy sa akin na narito sa baba si Leister ay kaagad akong nagmamadaling bumaba sa itaas. Napakurap-kurap ako at napalunok. When I looked at Leister, I saw his mixed emotions and concern. Nag-aalala itong nakatingin sa akin.

“Good evening, Ma’am. I’m Leister, Celestine’s sui-“ hindi niya naituloy ang kaniyang sasabihin nang biglang sumagot si Mommy.

She didn’t mind Leister by her side, and all her attention was on me. 

“You can invite your friend to have dinner with us,” malamig na sabi ni Mommy bago ito umalis sa aming harapan at dumiretso sa dining area.

“Kumain ka muna rito hijo, malakas pa ang ulan sa labas at baka mapano ka.” ani Lola Cristy, bago sumunod kay Mommy sa kusina.

Kaagad akong lumapit kay Leister at nakita ko ang unti-unting pagkunot ng kaniyang noo. Now -he looks mad at me. Nakakuyom ang mga kamay nito at nakatitig lamang sa akin. His expression was hard and I couldn’t read it anymore.

“Leister, so-sorry, hindi ako nakapag-update sa’yo.” I tried to explain my side to him.

Sana naman ay maintindihan niya ako.

“You didn’t reply to my messages and you didn’t even bother to answer my calls. I am so worried about you, Celestine. Halos mabaliw ako kakaisip kung saan ka pumunta.” Galit niyang sabi sa akin, at kahit galit siya ay hindi niya ako pinagtataasan ng boses.

Napahilamos ako sa aking mukha at kaagad ko siyang sinagot.

“Na-lowbat ang phone ko kaya hindi ko nasagot ang mga tawag mo. Hindi mo naman kailangang pumunta pa rito para lang makita akong ayos lang.” inis kong sabi sa kaniya.

He nodded at me, and his lips twitched like he was tired of me, but always tried to understand me.

“Hindi ko alam kung saan ka hahanapin. I don’t have a choice but to get here. And I have already told you that I want to inform your grandmother about us. Ayokong patago kitang nililigawan. Ngayong nandito na ang Mommy mo, magpapaalam ako sa kaniya.”

Nanlaki ang aking mga mata sa kaniyang mga sinabi at kaagad akong umiling.

No! She will only ruin us!

“This is not the right time, Leister. Huwag ka nang mag-alala, ipapakilala naman kita sa kanila bilang isang manliligaw ko sa tamang panahon. Huwag lang ngayon, please!” Pagmamakaawa ko sa kaniya.

He rolled his eyes on me and sighed. Kaagad niyang kinuha ang aking mga kamay at pinisil niya ang mga iyon.

“Ikinakahiya mo ba ako, pangga?” his voice was almost a whisper to me.

Kaagad akong natigilan sa kaniyang pagtatanong sa akin. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siyang ganito sa akin.

It really breaks my heart into pieces!

Hinaplos ko ang kaniyang pisngi at kaagad akong umiling sa kaniyang tanong.

“No! Of course not, Leister. I-I just need a little bit more time about this. My mother is strict and I don’t want to shock her. Please, understand.” Iyon na lamang ang aking nasabi sa kaniya at napayuko siya sa kaniyang mga narinig mula sa akin.

Iginiya ko siya sa dining table at nang mapunta ang paningin ko kay Mommy ay nakita ko siyang nakataas ang isang kilay habang tinatapunan niya ng tingin si Leister.

Walking back Home (Martensen Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon