Chapter 36
“Ano po ang pag-uusap natin?” pagtatanong ko kay Atty. Michelle.
Hindi ko kayang magtagal rito nang katabi ko ang isang ito. Kating-kati na akong umalis sa harapan ni Atty. Michelle, pero, hindi ko lang magawa nang dahil sa gusto niya kaming makausap na dalawa.
She is holding a white folder that contains important details about Lola Cristy’s last will.
Wala akong ideya kung ano ang iniwan ni Lola Cristy at bakit kasali pa itong si Leister, eh, ako lang naman ang apo niya rito.
“I am here to inform you about the last will of Mrs. Cristy Lustre.”
Pinagmasdan ko lamang siya habang dahan-dahan niyang binuksan ang folder na dala-dala niya. Kahit hindi ako mapakali dahil katabi ko si Leister, nakita ko rin ang paminsan-minsan nitong pagsulyap sa akin. Parang sinusubukan niyang magsalita ngunit masyado akong galit para sagutin siya. Wala rin naman akong balak na kausapin siya.
Not ever again…
“Binilin ito ni Mrs. Lustre sa akin, noong nanghihina na siya. Nakapangalan ang bahay na ito sa inyong dalawa. This house will be yours under the conditional bequests. Ang ibig sabihin, makukuha n’yo lamang ang bahay na ito kapag dito kayo tumira nang mahigit isang buwan.”
Umawang ang aking bibig nang dahil sa aking mga narinig. Mas lalong kumunot ang aking noo at kaagad akong napatayo.
I couldn’t agree with that! Hinding-hindi ako papayag! Kung hindi dahil kay Lola Cristy ay hindi na sana ako babalik pa rito sa Pilipinas! Ang tumira pa kaya sa iisang bubong kasama ang lalaking ito?! It would be a crazy idea!
“No! Hindi ako papayag sa ganyan, Atty! Wala na ba tayong ibang paraan?” problemado kong sabi sa kaniya.
Atty. Michelle shook her head as a response. Buong-buo na ito sa mga sinasabi niyang impormasyon sa amin.
“What will be the consequences if we don’t do that, Atty.? Mawawala ba sa amin ang bahay?” sumingit si Leister sa aming usapan at katulad ko rin, naghihintay rin siya nang magiging sagot ni Atty. Michelle.
“Hindi lang mawawala sa inyo ang bahay, this house will be demolished if you fail to meet the requirements.”
Damn it!
Napahilamos ako sa aking mukha at ito na ata ang pinakaayaw na gusto kong gawin sa tanang buhay ko! This is bullshit! Mas magugustuhan pa siguro ng batang Celestine ang ideyang ito kaysa sa akin ngayon.
“Atty. Michelle, I’m sorry, but I cannot do this. Hindi ko po kaya.” Pag-aamin ko sa kaniya, not minding the person beside me.
Bumuntong hininga si Atty. Michelle at kaagad na umiling sa aking mga sinabi.
“Hija, this house is your grandmother’s home. Dito rin lumaki ang ina mo. This is the greatest place that holds your grandmother’s heart and memories. Hahayaan mo lang ba ito na mawala? Hindi rin ba ito naging importante sa’yo, hija?”
BINABASA MO ANG
Walking back Home (Martensen Series #2)
Teen FictionNag-uumapaw sa galit ang isang Celestine Myrrh Lagare nang malaman niya na ililipat siya sa isang mamahaling skwelahan sa Iligan City. She is mad and furious at her mother, but she couldn't do anything about it. She waited and waited for months to g...