Chapter 24

12 3 0
                                    

Chapter 24

“Hija, uuwi sa susunod na buwan iyong ina.” ani Lola Cristy.

Natigilan ako sa aking pagkain at napalunok nang wala sa oras. I really though she’s busy in her business in Manila, bakit biglaan ang pag-uwi niya rito sa Iligan?

“Bakit po?” Nagtataka kong pagtatanong sa kaniya.

Umawang ang bibig ni Lola Cristy at kumunot ang kaniyang noo. That is not the word she’s expecting her to hear.

“Anong ibig mong sabihin, hija? Ayaw mo ba na dumalaw muli ang iyong ina rito? Gusto niyang bumawi sa’yo,” sabi sa akin ni Lola Cristy na para bang kinokonsensya ako sa mga pagdadalawang-isip ko kung gugustuhin ko ba na nandito si Mommy sa bahay o hindi.

I shook my head at her as a response. I’ll hide these feelings forever. They don’t deserve to know the truth about me and Leister. Dahil panigurado akong sisirain ni Mommy ang lahat. She doesn’t want me to be in a relationship or to have friends with Leister or the boys. Ayoko nang matulad ito sa nangyari noon sa party ni Samantha.

“Paano naman po siya babawi?” Halos pabulong ko nang pagtanong kay Lola.

Bumuntong hininga siya at napatigil sa pagsubo.

“Hija, alam kong hindi maganda ang relasyon ninyong dalawa ng Mommy mo, pero, bigyan mo naman siya nang pagkakataon na bumawi sa’yo. She called me yesterday; she cancelled all her appointments for a month and let Gio handle the company because she wanted to be here. She wants to be with you."

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. I couldn’t believe Mom can actually do that! Just for me?! Hindi ako naniniwala.

Gustong-gusto kong sagutin si Lola Cristy, pero mas pinili ko nalang ang manahimik. Ayoko rin pagdudahan niya ako.

Weeks had passed, and the results of the exam had already been released. Ang resulta rin para sa mga bagong mananalo ay bukas na rin namin malalaman. Habang tumatagal ay mas lalo kong naiintindihan ang lahat. I became mature enough to accept the thought that I would never win this game. Ang mga kasamahan ko nga sa party list ay parang napipilitan lamang sila na makisama sa akin. Hindi rin naman ako manhid para hindi maramdaman ang mga pakikitungo nila sa akin.

I’ll be happier if Leister wins this game and becomes the new SSG president, because he actually deserves it. His commitment and passion to lead are beyond my expectations. May mga araw nga na hindi na kami nagkikita para lang mag date nang dahil lang sa abala siya. Pagkatapos naman nang lahat at humihingi naman siya ng kapatawaran at bumabawi sa akin.

Napangiti ako habang iniisip ko ang mga planong gagawin. I have decided. Sasagutin ko na si Leister ngayong araw. Yayayain ko siyang kumain sa labas at doon ko na gagawin ang plano ko. He deserves to have my yes and my answer. He waited for me. He gives me assurances about all the things that make me doubt. He makes an effort to have this. Sa ilang linggong lumipas, iyon ang pinakamasayang mga linggo sa buhay ko. It feels nostalgic.

“Grabe, nangunguna na naman siya!”

“Ang swerte ng magiging girlfriend ni Leister! He is actually the real standard!”

Ilang metro pa lamang ang layo ko mula sa mga babaeng nag-uusap sa harapan ng bulletin board ay naririnig ko na ang pangalan ni Leister. Maraming studyante ang nakaabang at nakikipagsiksikan para lamang makita kung sino ang nangunguna sa exam ngayon.

I can’t help but to get nervous too! I was confident in all things that I do! Ngayon lang ako kinabahan nang ganito, kahit na binalewala na namin ni Leister ang deal namin tungkol rito.

Nang makita nila ako ay kaagad silang umalis sa aking harapan at binigyan ako ng space. Ang iba ay nagbubulongan habang nakatitig sa akin. Hindi ko na lamang sila pinansin at inirapan ko na lamang sila.

Walking back Home (Martensen Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon