Chapter 4

24 6 13
                                    

Tama naman talaga iyong mga sinabi ko, hindi ba? I don't think he will feel affected about it. Buti nga at nag-aalala ako sa kaniya at sa estado ng buhay nang pamilya niya.

Napapailing na lamang ako at pumara ng taxi. I actually don't care about the fare or money that I used here because my parents will provide it for me. Lalong-lalo na si Daddy, hindi iyon papayag na wala akong pera, o, malaking allowance.

No'ng nag-Singapore nga kami kasama ang mga kaibigan ko ay pinaldahan ako nang mahigit one hundred thousand ni Daddy, for just my pocket money.

Ganoon ako kamahal ni Daddy, because I am only her daughter. Kaya, hindi ko masisisi si Mommy kung magagalit siya sa akin, o kay Daddy, because Dad always spoils me with things that I want and need. 

Kaagad naman akong nakarating sa bahay ni Lola Cristy, at naabutan ko pa siya na nagwawalis sa labas ng bahay.

Kunot ang kaniyang noo habang nakatitig sa akin na lumabas sa isang sasakyan. Napahinto ito sa kaniyang ginagawa at nakapamewang itong napatingin sa aking direksyon.

"Oh, hija, bakit mag-isa ka lang? Nasaan si Leister?" Pagtatanong nito sa akin.

Taas-noo ko siyang hinarap at sinagot.

"He is busy, Lola. He said that he will help his parents sell their strawberry jams, kaya, hindi na niya ako naihatid rito pauwi. But, don't worry Lola, I'm perfectly fine naman." Pagsisinungaling ko sa kaniya, habang nakangiti.

Ipinagsalikop ko ang aking mga kamay, habang siya ay nakaawang ang bibig at mukhang pino-proseso pa rin ang lahat nang mga lumabas sa aking bibig.

She couldn't believe it, actually, but I just don't get it. He is poor, and his family is poor; that's why they're selling strawberry jams, right? He should help them! 

"Talaga? Sinabi niya iyon?"

Bumuntong hininga ako at tumango sa kaniya bilang isang pagsang-ayon.

"Yes, Lola. Nagpumilit pa nga siya na ihatid ako pero hindi ko na siya hinayaan na mangyari iyon. That's actually a good thing that he will help his parents." Pampalubag loob ko kay Lola Cristy.

Even when I am trying to explain my side, I can still see the doubt in her eyes. Na para bang alam na alam niya na nagsisinungaling lamang ako. Nakita ko pa siyang napapailing at nagpatuloy sa kaniyang ginagawa.

"Oh siya sige, magbihis ka na sa loob at mainit." ani Lola Cristy, bago ako ipinagtulakan na pumasok sa loob ng bahay.

May ngiti sa aking mga labi habang paakyat ako sa aking kwarto. At least, Lola Cristy listened to me earlier. Akala ko talaga ay hindi na niya ako mapagkakatiwalaan. Ganoon naman talaga, hindi ba? Sometimes people won't trust you, si Lola Cristy pa kaya.

Nagdaan ang ilang araw at sinusubukan akong kausapin ni Mommy sa telepono, pero, hindi ko ito sinasagot. Minsan naman ay kay Lola Cristy siya tumatawag at tinatanong kung kamusta na raw ako dito. Napaikot na lamang ako sa aking mga mata nang sabihin niya kay Lola na nag-aalala raw siya sa akin.

Kaya nang tumawag si Daddy sa akin ay lubos ang aking kasiyahang nadarama. He was still abroad, and he promised me to visit here in Iligan City after his business transactions in the States.

"Daddy, I really wanna go home!" Pagsusumbong ko sa kaniya, noong tumawag siyang muli sa akin.

He chuckled and answer me.

"Hija, you know the rules. Your mother created those rules in our house. Siya pa rin ang masusunod pagdating sa bahay." Malumanay na pagpapaliwanag ni Daddy sa akin.

Kahit na! Ayoko na rito!

"Papayag nalang po ba kayo na malayo ako sa inyo?" Pagtatampo kong sabi sa kaniya.

Walking back Home (Martensen Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon