Chapter 32

15 0 0
                                    

Chapter 32

Umalis ako nang Pilipinas nang may mabigat na damdamin. Lalong-lalo na nang yakapin ako ni Leister sa huling pagkakataon.

His hugs embraced not just my physical aspect, but my mental and my emotional. He watched me leave him. I never look back at him again. Tuloy-tuloy ang paglakad ko at ang pagpasok namin sa loob ni Mommy. He never called me though…

Hindi ako nagpahalata kay Mommy na galing ako sa pag-iyak. Hindi rin naman niya ako pinansin at abala siya sa kaniyang ginagawa sa kaniyang laptop, kaya, hindi lang sa akin nakatuon ang buong atensyon niya.

Dahan-dahan kong binuksan ang aking kaliwang kamay at nakita ko roon ang hawak-hawak kong kwentas na galing kay Leister. The necklace that was from him. He gave it to me and kissed it first before he handed it to me. It has initials from his name. Mayroon din naman akong binigay sa kaniya. I gave him my astronaut keychain. Iyon ang binigay sa akin ni Daddy, noong pumunta kami nila Mommy and Daddy sa Singapore noong sampung taong gulang pa lamang ako.

I keep it and treat it as a treasure since it came from my father. Isa iyon sa mga bagay na pinakainiingatan ko. I gave it to him. I gave it to Leister.

We arrived from the States a couple of hours ago. Oo, inaamin ko, pinangarap ko ang tumira rito at mamuhay rito sa Amerika. Pero… ang lahat nang iyon ay nagbago simula noong bumalik ako ng Iligan. I smiled with excruciating pain in my heart when I remembered it was forced when Mommy brought me to Iligan City. Noong tumagal na ako sa bahay ni Lola Cristy, napagtanto kong… mas komportable ako roon. I always had this principle where I only called my house my only home. Pero ngayon, nagbago ang lahat.

Leister was my home. He was and only will be. 

“I couldn’t believe you just left so quickly!” sabi ni Samantha sa screen ng aking laptop.

Hindi ako nakapagpaalam sa kanila nang maayos at hindi ko rin sila nakausap nang personal dahil sa madalian naming pagpunta ni Mommy rito sa US.

Umayos ako sa aking pagkakaupo at kinausap kaagad si Samantha.

“I’m sorry, Samantha… hindi na ako nagkaroon ng oras para lamang makapagpaalam sa’yo. Mommy was mad and furious when she knows about my relationship with Leister! I was devastated! A-ayoko nga sanang umalis riyan, eh. May choice ba ako? Wala!” problemado kong sabi kay Samantha sa kabilang linya at nakita ko ang pag-ikot ng kaniyang mga mata.

“Eh, kamusta naman kayo ni Leister? Patuloy pa rin ba ang pakikipag-usap mo sa kaniya?” sunod-sunod na pagtatanong sa akin ni Samantha.

Napatigil ako saglit at napakurap-kurap. Hindi ko puwedeng sabihin sa kaniya ang totoo at baka magsumbong siya kay Mommy. Hindi naman sa hindi ko siya pinagkakatiwalaan pero hindi naman lahat ay dapat kong ipaalam sa kaniya. There are things that need to be kept only by myself.

Umiling ako sa kaniya at sinagot. “No, pinutol ko na ang komunikasyon naming dalawa ni Leister. Wa-wala rin naman kasing patutunguhan kung talagang nangyari ang sa amin ni Leister.” Pagsisinungaling ko sa kaniya.

Nanliit ang kaniyang mga mata at mukhang nakumbinsi ko rin naman siya sa aking mga sinabi.

“Yeah right! But if I were in your position, I couldn’t blame you. He’s handsome for real! Nagtaka nga ako kung bakit hindi mo siya ipinaglaban sa Mommy mo. Gayong, kayang-kaya mo naman si Tita Christine.”

“Mommy ko pa rin naman siya kahit anong mangyari, Samantha. Atsaka isa pa, takot ako sa kaniya. No matter how mad I am at her, she was still my mother, and I couldn’t do anything about it.”

“Grabe ang galit niya sa mga Martensen, no? May alam ka ba?” pagtatanong niya sa aking muli.

I shook my head and she sighed in frustration. Alam ko naman na makikichismis lang siya sa akin, eh.

Walking back Home (Martensen Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon