Chapter 11

21 5 0
                                    

Para akong sasabog nang dahil sa galit na nararamdaman ko! Gusto ko siyang sampalin at itulak nang napakalakas! I was so mad, to the point that I didn't mind my own tears!

Unti-unting lumalakas ang aking paghinga at nang dahil sa galit ay wala akong ibang nagawa kung hindi ang umirap sa kanila at naglakad nang mabilis, paalis sa kanilang direksyon.

Nang makalayo-layo na ako ay tumakbo na ako palayo. I started crying and I hate myself for being weak! Hindi ko na inalintana ang mga studyanteng nagtataka at pagkunot ng kanilang mga noo, kung bakit ako umiiyak. Nakarating ako sa field at kaagad akong napaupo nang dahil sa panghihina.

Marahas kong pinunasan ang aking mga luha at inis ko itong itinapon.

Binabawi ko na ang lahat nang mga sinabi ko! He wasn't a good man! He is rude and doesn't care about other people's feelings! Kagaya nga ng sinabi niya kanina, wala siyang pakialam sa akin.

Humihikbi pa ako nang dahil sa galit nang biglang may nagsalita sa aking tabi.

"You okay, miss?" Someone's voice I heard from my back.

Lumingon ako sa kaniya at nakita ko ang isang matangkad na lalaki. Probably a sixt-feet tall like Leister. Kumunot ang aking noo at napagtantong isa ito sa mga pinsan niya!

Umawang ang aking bibig at kaagad na nagtaas ng noo.

"Do I look like okay?" Mataray kong sagot sa kaniya pabalik.

He chuckled a bit and answered me right away.

"Kaya nga ako nagtatanong dahil alam kong hindi ako sigurado sa nakikita ko. It's either you're crying because of happiness, or you're crying because of sadness. I don't know," sabi niya sa akin nang nakapamulsa.

Pinagmasdan ko siya at napansin kong tinangay ng hangin ang kaniyang buhok. His wavy jet-black hair was blown by the wind. He has hooded eyes but Leister has a darker and strict aura with hunter eyes.  Napansin ko rin ang hikaw sa gilid ng kaniyang tenga. Hindi ko siya masyadong napansin noong pumunta ako sa bahay nila Leister, dahil mas abala ako sa paggawa ng aming project.

I couldn't even remember his name, or did he even introduce himself to me? 

Hindi ako sumagot sa kaniya at nagulat na lamang ako nang bigla siyang tumabi sa akin.

He sits beside me, but he knows the boundaries. He handed me his black handkerchief.

"I don't like seeing girls crying, kaya, 'yan lang ang kaya kong ibigay."

Natigilan ako at napakurap-kurap. Kinuha ko ang panyong iniabot niya sa akin at dahan-dahan ko itong pinunas sa aking pisngi.

"I don't have the right to ask but, what happened?" Nilingon niya ako at kumunot ang kaniyang noo.

Napabuntong hininga ako at kumulo ulit ang dugo kong unti-unti nang nananahimik.

"Your cousin, did this to me. Hindi man lang niya ako pinakinggan! He defended that Klyr right away by not knowing the scene!"

"Si Leister?" He asked to confirmed it.

"Oo! Ang sama ng ugali nang pinsan mo!"

Bumalik ang galit ko at napaikot ako sa aking mga mata.

"I'm sorry, he did that to you, he make you cry." Mahinhin niyang sabi sa akin.

Buti pa ang isang ito, mukhang matino at mabait. Hindi kagaya ng Leister na 'yon!

"What's your name again?"

"I'm Rios, Leister's cousin." Naglahad siya ng kamay sa akin at kaagad ko naman itong tinanggap.

Walking back Home (Martensen Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon