Chapter 20
Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko si Leister. He’s standing in front of me with an expression that I couldn’t read right away. His forehead furrowed, and he never looked away. Nakatuon lamang ang buong atensyon niya sa akin.
He is wearing a white polo shirt that is folded perfectly in his arms. Napalunok ako at nainis sa sarili nang mapansin ko pa ang maliliit na detalye tungkol sa kaniya.
Iniwas ko ang aking paningin sa kaniya at nakapamewang.
“What do you want? I need to go to the grand palace. Late na ‘ko!” Pagdadabog ko sa kaniya.
Sayang rin naman ang aking outfit kung hindi ako tutuloy sa party. Even when no one wants me to be there, I should’ve attended to the party.
“Kailangan nating mag-usap,” mahinahon niyang sabi sa akin.
Napansin ko rin ang mamahalin niyang sasakyan na naka-park sa kaniyang likuran. Hindi ko kaagad iyon napansin noong dinala ako ni Kerby rito.
Inikotan ko siya ng aking mga mata at sinagot.
“Ano pa ba ang dapat nating pag-usapan? I have already told you, don’t talk to me! Bakit inutosan mo pa si Kerby na dalhin ako rito?!”
Nanliit ang kaniyang mga mata at may sumilay na multong ngiti sa kaniyang mga labi. Napakibit-balikat ito habang nakatitig sa akin.
The fuck! Even with his playful smile, he looks so damn attractive! At nasasaktan ako sa tuwing naaalala ko ang mga sinabi niya kagabi kay Klyr. Well, anyways, ano nga ba talaga ang lugar ko sa buhay niya? Mukhang wala naman! Kaibigan lang niya ako! Kaibigan lang!
I hate to think that Jaymhark is dying to have me and to make efforts just to have my attention-—even the boys in my school! Pero, pagdating kay Leister? Bakit parang ako pa ang may gusto sa atensyon niya?! Bakit parang… hinahayaan ko lamang ang sarili na mangyari ito?! I hate to accept the truth that I am having a feeling for Leister Dew Martensen, a boy from Iligan! Ayoko naman talagang mangyari ito, dahil alam kong wala siyang ibang gugustohin at mamahalin kung hindi si Klyr!
“Gaya nga nang sinabi ko, kailangan nating mag-usap na dalawa.” Ulit niyang sabi sa akin.
Sarkastiko akong sumagot sa kaniya.
“At ilang beses ko rin uulitin sa’yo na wala naman dapat tayong pag-usapan. Huwag mo na akong kausapin, please!” I almost pleaded at him, even when my heart started aching.
“I almost believe that not until you came into my house and tried to visit me,” he said in a very low tone.
Napasinghap ako sa kaniyang mga sinabi at hindi kaagad nakasagot.
His eyes were full of mixed emotions—emotions that I couldn’t read. It became harder every second. Unti-unti siyang lumapit sa akin at sinubukang abotin ang aking mga siko.
Sinipatan ko siya at malamig ko siyang tinitigan pabalik. Pa-paano niya nalaman iyon? Eh, hindi ba ay nakikipag-usap siya kay Klyr kagabi?!
“Hi-hindi ah! Bakit naman ako pupunta sa bahay ninyo? Nababaliw ka na ba?!”
He chuckled and couldn’t believe what I had just said.
“Maybe you were right, baliw na nga siguro ako. Hahabulin pa sana kita kagabi ngunit hindi na kita naabotan.” Pagpapaliwanag niya sa akin.
“Leister, kailangan ko nang pumunta sa grand palace. Kung hindi mo ako ihahatid, mag-co-commute nalang ako!”
That was actually my last word, but his words make me stop walking away from him. Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso nang dahil lang doon. Pakiramdam ko… kahit wala siyang alam sa nararamdaman ko, nararamdaman niya ako… bakit parang… alam na alam niya.
BINABASA MO ANG
Walking back Home (Martensen Series #2)
Teen FictionNag-uumapaw sa galit ang isang Celestine Myrrh Lagare nang malaman niya na ililipat siya sa isang mamahaling skwelahan sa Iligan City. She is mad and furious at her mother, but she couldn't do anything about it. She waited and waited for months to g...