Chapter 15

16 5 0
                                    

Chapter 15

Nakatingin lang ako sa karagatan, habang tinatangay ng sariwang hangin ang aking maikling buhok. I put some baby hair behind my right ear while watching the wild waves crash into the seashore.

“Are you okay? You look pale.”

Nabalik lamang ako sa realidad nang biglang magsalita si Leister sa aking gilid. Napabuntong hininga ako at nilingon ko siya.

He is wearing a summer polo shirt and black shorts, while he’s wearing a black cap and sunglasses. May dala-dala rin itong camera. Nilisan ko ang bahay na may mabigat na damdamin. Sinundo ako ni Leister kanina para ituloy iyong proyekto na ipapasa namin bukas ng umaga.

This is the last project that I am doing with Leister. Mas mabuti na rin iyong hindi kami magkasama. He’s in love with Klyr and no one can change his mind.

“Ayos lang ako,” tipid kong sagot sa kaniya.

He remove his sunglasses and looked at me seriously in my eyes. Kahit ang mga mata niya ay nakikita ko ang nais niyang ipahiwatig.

His eyes are communicating with me, and I don’t like it!

“No, you’re not. If it’s fine to you, you can share it to me.” Mahinahon niyang sabi sa akin.

My heart ached at the thought that even my real parents couldn’t listen to me or hear me talk. Mabuti pa iyong ibang tao, nakakapag-kuwento ka pa nang walang lumalabas sa bibig nila.

They won’t judge you…

Umayos siya sa kaniyang pagkakaupo at tumabi sa akin. Ngumiti siya sa akin, bago magsalita sa aking tabi.

“Sabi nila, mas mabuti daw  ‘yung mag-kuwento ka sa taong hindi mo kilala, kasi, hindi ka nila huhusgahan.” Ani Leister, habang malalim ang pagtingin sa karagatan.

“Paano ba ‘yan? Kilala na kita, eh.” Pabiro kong sabi sa kaniya.

He chuckled at what I had said to him and shook his head.

“Just pretend that you don’t know me at all and I will do the same. Sa ganoong paraan, gagaan ang pakiramdam mo.” Nakangiti niyang sabi sa akin.

Umawang ang aking bibig at dahan-dahan akong tumango sa kaniya. He is waiting for me to talk, as if he is really interested in the story that I will share with him.

He is not actually that bad at all…

“Do you wanna know why I am here in Iligan?” Sabi ko sa kaniya nang may mapait na ngiti.

Kumunot ang kaniyang noo at kaagad na umiling.

“Bakit po, Miss?”

“My mother didn’t want me to go out and to join some parties of my friends. Sa ganoong paraan na pagpapalaki niya sa akin, tumatagal parang nasasakal na ako. It feels like I don’t have freedom. One night, I rebelled against her. Sneak out of my room, go to a party, and she caught me there. Nang dahil sa galit niya, napagdesisyunan niyang… ihatid ako rito sa Iligan at dito na mag-aral. You know, to learn my lesson.”

Kumirot ang aking puso nang mailabas ko ang lahat nang iyon sa kaniya. He remained silent as he listened to me. Minsan nga, napapaisip ako, kung totoo ba talaga na pasaway akong anak?

“Malayo ang loob ko kay Mommy. Mas gugustuhin ko pa na kasama si Daddy kaysa sa kaniya.”

“Ginawa lang ‘yon ng Mama mo dahil nag-aalala siya sa’yo.”

Napatigil ako sa mga sinabi sa akin ni Leister at kaagad ko siyang sinagot.

“No, I don’t think so, Leister. I am an only child, so, it is a bit pressure to me that she is expecting too much from me. Gustong gusto niyang matulad ako sa kaniya. “ Malungkot kong sabi sa kaniya.

Walking back Home (Martensen Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon