Nakataas pa rin ang isa kong kilay habang nakakibit ng balikat. I watched him very carefully as he talked to my grandmother.
Napakaamo na para ba'y nahuhumaling si Lola Cristy sa kaniya.
Marahas akong bumuntong hininga nang makita ko siyang tipid na ngumiti sa akin. Nagdadalawang-isip pa ito kung ilalahad ba niya ang kanang kamay sa akin, o, hindi na.
No! I won't accept your dirty hand!
"Nice to meet you, Celestine." Seryoso nitong sabi sa akin.
My lips twitched, and I remembered that my Lola was still here. Kung wala lang si Lola Cristy rito ay kanina ko pa ito inirapan.
"Nice to meet you too," I smiled fakely at him.
Nanliit ang mga mata nito at nakita ko ang unti-unting pagsilay na munting ngiti sa kaniyang mga labi. Hindi ko nalang iyon pinansin at ibinaling ko ang aking paningin kay Lola.
"Hijo, tamang-tama, hindi pa kami nakakapag-umagahan. Samahan mo kaming kumain sa hapag-kainan." Masayang sabi ni Lola sa kaniya, habang pinipilit ito ni Lola Cristy na pumasok sa loob.
Nagdadalawang-isip ito, habang napatingin kay Lola at pabalik sa akin. Umirap ako at nauna nang pumasok sa loob ng bahay. Naririnig ko ang mga sinasabi ni Lola Cristy sa kaniya, at siya naman ay puro 'oo' lamang ang sagot.
Mabuti naman, mabuti at tahimik lamang ang lalaking ito. I hate men who are loud and arrogant. Childish, kung tatawagin.
Didiretso na sana ako sa itaas nang bigla akong pinahinto ni Lola Cristy.
"Hija, mamaya kana umakyat. Samahan mo na kaming kumain ni Leister." Hindi iyon pag-aaya, kung hindi utos.
Kahit inis ako ay hinarap ko pa rin si Lola at ngumiti ng tipid, bago sinagot.
"I'll have my breakfast later, Lola. Inaantok pa kasi ako," pagdadahilan ko sa kaniya.
Nakita ko ang pag-upo ng lalaki sa maliit na lamesa ni Lola at nakahalukipkip ang mga kamay nito, habang pinagmamasdan kaming dalawa ni Lola na nag-uusap.
My grandmother was shocked when she heard my answer. Kumunot naman ang aking noo. Wala naman akong nasabi na masama sa kaniya, para maging ganiyan ang kaniyang ekspresyon.
"Alas syiete na nang umaga, Cece! Tutulog ka pa ulit? Hija, paano ka ba pinalaki ng anak ko? Eh, ito nga si Leister, alas singko ng umaga ito gumigising!"
I swallowed hard and I couldn't hide my frustration. Walang pinagkaiba! Nagmana nga talaga si Mommy sa kaniya.
Dumiretso ito sa lamesa at inilapag ang tatlong pinggan.
"Kumain ka muna rito, Celestine." Malamig nitong sabi sa akin, bago inabala ang sarili sa paglalagay ng mga pagkain sa pinggan.
Nagdadabog akong umupo, kaharap sa lalaking kakilala ni Lola Cristy. I didn't look at him, or even give him a glimpse of stare. Sino ba siya para pansinin ko? Eh, hindi ko nga siya kilala.
"Hijo, bakit hindi ka nakadalaw nitong mga nakaraang araw? May nangyari ba sa inyo?" Pag-iiba ng usapan ni Lola Cristy.
Tahimik lamang akong kumakain sa gilid. I actually don't want to eavesdrop, but of course, I can't help it! Nasa gilid ko kaya sila!
Nakita kong napatigil ito sa pagkain at napalingon kay Lola.
"Pasensya na po kayo kung hindi po ako nakakabisita rito ng mga ilang araw. Naging abala po kasi ako sa paglilinis ng mga sasakyan," sagot nito pabalik kay Lola.
My forehead's furrowed. Naglilinis ng sasakyan? Ano ang ibig niyang sabihin? Nagtatrabaho siya bilang isang tagalinis ng mga sasakyan? Just like what I have seen in movies?
BINABASA MO ANG
Walking back Home (Martensen Series #2)
Fiksi RemajaNag-uumapaw sa galit ang isang Celestine Myrrh Lagare nang malaman niya na ililipat siya sa isang mamahaling skwelahan sa Iligan City. She is mad and furious at her mother, but she couldn't do anything about it. She waited and waited for months to g...