Chapter 26

8 1 0
                                    

Chapter 26

I really don’t understand why Mommy said those words to me. Kahit kailan ay hindi ko siya maintindihan, at naghahanap pa rin ako ng eksplenasyon sa lahat nang iyon. I can feel that she has a burst of anger towards the Martensen clan. I tried to ask her about it, but she refused! Paikot-ikot ang sagot niya at ayaw niyang sagutin ng diretso ang mga tanong ko tungkol sa pamilya ni Leister.

I didn’t mind it, actually, but thinking about Mom having those issues with them, I cannot just sit here and do nothing! Galit na galit siya sa mga Martensen at hindi ko alam kung bakit!

Napabuntong hininga na lamang ako pinagmasdan ang makulimlim na kalangitan. It is Sunday’s. Pagkatapos ng pagtatalo naming dalawa ni Mommy ay hindi ko na siya kinausap pa muli. Kanina ay bumaba lamang ako para kumain, at nang matapos ay nagmamadali akong pumasok rito sa loob ng aking kwarto. Lola Cristy sensed the heat tension between me and Mommy, and she remained silent about it.

Nabalik lamang ako sa realidad nang biglang may kumatok sa aking kwarto. I immediately wipe my tears and stood straight. Ayokong ipakita sa kanila na na-a-apektuhan ako nang dahil sa pagtatalo naming dalawa ni Mommy kahapon. Hindi rin naman niya sinubukan ang kausapin akong muli, kaya, hindi na rin ako nag-atubiling kumausap sa kaniya.

I still had resentment towards her, and to have a word with her feels like having an empty conversation. 

“Hija, puwede ba akong pumasok?”

Nang marinig ko ang boses ni Lola Cristy ay kaagad akong napatayo at pinagbuksan siya nang pintuan. Napakurap-kurap si Lola nang makita niya akong namumugto ang mga mata. May dala-dala siyang isang basong gatas at inilapag naman niya ito kaagad sa bedside table ko.

“Thanks for the milk, Lola.” Maikli kong sabi sa kaniya at tinalikuran.

Ayokong nakikita niya akong ganito. Ayokong maging talunan sa harapan nila. Kaya nga ako nagmukmok buong araw rito sa aking kwarto nang dahil ayokong makita nila na nanghihina ako at nasaktan nang sobra nang dahil sa mga sinabi ni Mommy sa akin kagabi.

It's too much to bear. When I let it out, it feels like it’s wrong and invalid. Hindi ko alam kung saan ako lulugar.

“I’ve heard about you and your mother’s argument last night.”

Umawang ang aking bibig at hindi na ako nagulat pa nang sabihin niya iyon sa akin. Hindi rin naman kasi siya manhid para hindi maramdaman ang pagtatalo naming dalawa ni Mommy kagabi. I hugged myself and watched outside from my windows. Unti-unti na rin kasing umuulan sa labas ng bahay at kumukulog na.

“If you are here to scold me again like what Mommy did, please, just don’t. Punong puno na po ako sa mga masasakit na salita galing kay Mommy.”

My voice became hard, and I couldn’t talk properly because my throat hurt.  Parang may nakabara sa aking lalamunan at hindi ako makapagsalita nang maayos.

“Hindi ako nandito para pagalitan ka, Celestine. Nandito ako dahil naiintindihan kita, apo.”

Humarap ako kay Lola Cristy at nakita ko ang pag-aalala sa kaniyang mga mata.

“I don’t understand her. Mabait naman po si Leister at galing pa sa isang marangyang pamilya. The Martensen are one of the most prestigious families here in Iligan City, and they're known for being grand owners of land! They are respectable and powerful! Kaya, hi-hindi ko kailanman maiintindihan si Mommy kung bakit ayaw niya.”

There, I’ve said it to her. Siguro naman ay mabibigyan ako ng rason ni Lola Cristy kung bakit nagkakaganito si Mommy sa akin.

“Hija, walang problema ang iyong ina sa estado ng buhay nang lalaking gusto mo. Ang pino-problema niya… ay ang pagiging malapit mo sa anak ni Duke at Solene. Iyon ang hindi niya matatanggap,” pagpapaliwanag sa akin ni Lola Cristy.

Walking back Home (Martensen Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon