Chapter 21
I couldn’t help myself but to smile, even after all that had happened last night. Pagulong-gulong ako sa aking kama at sumigaw nang palihim!
Hindi ko lubos maisip na mangyayari ang bagay na ito! Hindi ko inakalang magkakagusto rin pala sa akin ang isang Leister Dew Martensen! He was a popular guy in our school, and he’s also a hearthrob! Paano si Mommy? Panigurado akong magagalit iyon sa akin kapag nalaman niyang nagkagusto ako sa isang simpleng binata rito sa Iligan City. Pero, nagmahal rin naman siya, hindi ba? She also came from a simple family, and her hometown is here. Maiintindihan naman siguro ako ni Mommy.
Napabuntong hininga ako at ipinikit kong muli ang aking mga mata. I licked my lower lip as I memorized every inch of Leister’s face. Ang mga ngiting mas lalong nagpapalambot ng puso ko.
Ganoon rin kaya siya sa akin? Paano kung hindi?
Malalagot talaga siya sa akin!
Napalingon ako sa kaniya nang makarating na kami sa grand palace. Kanina pa nagsimula ang party, at panigurado akong late na late na ako!
Pinagmasdan ko siyang mabuti habang mahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela ng kaniyang sasakyan. He looks so handsome and attractive with his new haircut. I lifted my head to the other side and tried to get his attention. Ngayon ko lang napansin ang bagong gupit niya!
Hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti sa kaniya ngayon. I am totally a different version of myself when I’m with him. Iyon ang nararamdaman ko sa tuwing kasama ko siya.
Seryoso niya akong tinignan at hinaplos ang aking kaliwang kamay na nakahawak sa kaniyang mukha ngayon.
“What is it? What were you thinking, pangga?” He asked me about it.
Kaagad akong umiling sa kaniya. My lips twitched, and I hid my emotions even more. Ayokong mahalata niyang nababaliw na ako!
“Nothing, I just… noticed your new haircut.” Sagot ko sa kaniya pabalik.
Kaming dalawa na lamang ang natitira rito sa labas ng parking lot. Tahimik ang paligid, maaliwalas.
He brushed his hair, shook his head, and turned his attention to me again. Ipinagsalikop niya ang aming mga kamay at hinalikan niya ang aking palad. Tinignan niya ako nang punong-puno ng sensiridad sa kaniyang mga mata. Unti-unting lumalakas ang pagkalabog ng aking dibdib. He makes me this way! He is the only one who could do this to me!
Ganito pala ang magmahal?
I’ve never felt this way before… I mean, nagkaroon din naman ako ng mga boyfriends, pero hindi kagaya nito. Ibang-iba ito sa lahat.
“You need to get inside now, pangga. The show is waiting for you,” mahinahon niyang sabi sa akin.
Kumunot ang aking noo at hindi ko mapigilan ang hindi mapatanong sa kaniya.
“Pangga? What do you mean by that? Why are you calling me that way?” Nalilito kong pagtatanong sa kaniya.
Umayos siya sa kaniyang pagkakaupo at pinisil ang aking mga palad. He looks at it like he is memorising every trace of my palms.
“Pangga is derived from the word “Palangga”. It is often used by the people who can speak bisaya.” Sagot niya sa akin pabalik.
“And?” Naghihintay pa rin ako sa magiging sagot niya.
Ngumiti muna siya sa akin, bago niya ako sinagot muli. “It means that… you are my beloved woman, my dear, and the most precious woman in my life.”
Ang boses ni Leister ay parang humihele sa akin sa pagtulong. It was soft, genuine, and full of love.
He cupped my right cheek and look at me straight in the eyes…
BINABASA MO ANG
Walking back Home (Martensen Series #2)
Teen FictionNag-uumapaw sa galit ang isang Celestine Myrrh Lagare nang malaman niya na ililipat siya sa isang mamahaling skwelahan sa Iligan City. She is mad and furious at her mother, but she couldn't do anything about it. She waited and waited for months to g...