Nang dahil sa nangyari ay umuwi ako kaagad at hindi na pumasok sa sumunod na klase.
I was embarrassed and felt humiliated by the students! Wala naman akong ginagawang masama sa kanila para gawin nila ang mga bagay na iyon sa akin! Gusto kong maghiganti, gusto ko silang tirisin hanggang sa mapunit sila!
Dumating ang gabi at hindi pa rin humuhupa ang galit na nararamdaman ko. Galit ako dahil hindi ko man lang naipagtanggol ang sarili kanina, at mas lalong galit ako dahil sa mga ginawa ng mga studyanteng iyon!
I have someone in mind who did this to me. May kutob na ako kung sino iyon, pero, ayokong mag-assume at baka ako pa ang siraan nila pabalik. Alam kong may lihim na inggit ang mga kaibigan ni Klyr, her circle of friends. Ramdam na ramdam kong ayaw nila sa akin, dahil hindi rin naman nila ako pinapansin sa classroom. Even Klyr didn't even say hi to me or greet me at school, ngumingiti lamang ito sa tuwing kaharap si Leister o kausap niya ito.
I don't have friends in school, that's why I don't like it here. I hate to be here!
I wiped my own tears when someone knocked at my door. Natigilan ako sa aking ginagawa at napakurap-kurap.
"Hija, Celestine, bumaba ka na rito at kumain." Ani Lola Cristy.
I swallowed hard and I wiped my tears again. Bago ako bumaba ng kwarto ay nag-ayos muna ako. I put on some make-up too, to lighten up my face. Ayokong mag-kwento kay Lola Cristy, marami na siyang iniisip, at ayoko nang dagdagan pa ang mga iyon.
Lumingon sa akin si Lola Cristy at pinagmamasdan niya ang aking bawat kilos.
"Kamusta ang pag-aaral, hija?" Pagtatanong niya sa akin.
Umupo muna ako at kumuha ng pagkain sa lamesa. Naninibago ako sa mga nagiging ulam ko these past few weeks. Nasanay kasi ako na palaging toasted bread, bacons and ham ang inuulam ko tuwing breakfast, minsan nga ay umiinom lamang ako ng gatas.
Today, our breakfast is fried rice, omelet, may dried fish and soup. Buti nalang at may gatas, at least, there is something I can drink.
"Ayos lang naman po," maikli kong sagot kay Lola Cristy.
"Mag-ka-klase pala kayo ni Leister? Mabuti naman at classmate kayong dalawa. Mabait na batang iyon," Lola Cristy said with a smile om her face.
Nagpatuloy ako sa aking pagsubo at sumagi sa aking isipan ang mga nangyari kahapon. The way he defends me from those students. The way he threw some words at them just because of what they had done to me.
Humihikbi ako nang dahil sa mga luhang hindi ko na mapigilan. Nagulat ako nang biglang naglahad siya ng isang panyo sa akin.
After washing my face in the girls room, akala ko ay umalis na siya pagkatapos niya akong ipagtanggol, pero, nagkamali ako.
He stayed...
Ilang minuto akong nanatili sa loob ng girl's room pero, naghintay siya sa akin sa labas.
"Wipe your tears, ayokong makakita ng babaeng umiiyak." He said this while handling his handkerchief.
Napalunok ako at wala sa sariling tinanggap ang kaniyang panyo. We were in an open field now. Walang studyante rito dahil umuwi na ang iba para makapagtanghali. Nakaupo ako ngayon sa may grandstand, katapat lamang ng soccer field. Kaming dalawa lamang ni Leister ang nandito.
Tumabi siya sa akin sa pag-upo at nakatingin lamang sa kawalan.
"Why are you doing this? Ba-bakit mo ako pinagtanggol kanina? We're not friends," sabi ko sa kaniya.
He chuckled and look at me in the eyes.
"Kahit na hindi tayo magkaibigan, Ms. Lagare, hindi ko kayang panoorin ka lang sa ganoong sitwasyon. Hindi rin naman tama iyong ginawa nila kanina. I'll still do it if it's not you, anyway." aniya.
BINABASA MO ANG
Walking back Home (Martensen Series #2)
Teen FictionNag-uumapaw sa galit ang isang Celestine Myrrh Lagare nang malaman niya na ililipat siya sa isang mamahaling skwelahan sa Iligan City. She is mad and furious at her mother, but she couldn't do anything about it. She waited and waited for months to g...