Chapter 22

17 3 0
                                    

Chapter 22

“Do you like it?” Pagtatanong sa akin ni Leister, habang nakangiti itong pinagmamasdan ang kabuuan ng kanilang farm.

Awang ang aking bibig at hindi ko rin mapigilan ang hindi mapangiti. This is picturesque! Ang laki ng strawberry farm nila, at mukhang harvest time nila ngayon! May nakikita kasi akong mga workers rin nila at farmers na nag-ha-harvest ng mga strawberries.

“Ang laki po ng farm ninyo,” sabi ko kay Tito Duke at nakita ko ang paglingon niya sa akin sa gilid.

He smiled at me and nodded.

“Since I was a kid, I really wanted to have my own strawberry farm. Kahit abala minsan sa opisina, naglalaan talaga ako ng panahon para bumisita rito.” Pagpapaliwanag sa akin ni Tito Duke.

“Pa, ipapasyal ko muna si Celestine sa farm.” Pagpapaalam ni Leister sa akin mula sa kaniyang ama at tumango lamang ito sa kaniya.

“Magandang umaga po, ser!” pagbati sa kaniya ng ibang mga trabahante at ngumiti lamang si Leister sa mga ito.

Habang ang iba naman ay bumati sa akin. They were kind and humble! Nakangiti sila at napaka-generous.

Pumasok na kami sa loob at kaagad bumungad sa amin ang mga strawberries na hindi pa nakukuha ng ibang mga harvesters.

Nagmamadali akong lumapit dito at pinitas. They were so red! Mukhang matatamis ang mga ito! Tumabi sa akin si Leister at kumuha rin siya ng ilang piraso.

“Puwede na ang mga ito. Kaya pala bumalik si Papa ng Iligan dahil okay na ang mga ito.” Ani Leister sa aking tabi.

Kumunot ang aking noo at nilingon ko siya.

“Hindi ba rito nakatira ang Papa mo, Leister?” Kuryoso kong pagtatanong sa kaniya.

He licked his lower lip, and I think he’s having a hard time agreeing with it. Kumunot ang noo nito at biglang nag-iba ang ekspresyon. I can see sadness and pain in his eyes.

“Hindi magkasundo sila Papa at Mama. Kaya… sa Maynila tumutuloy si Papa. My mother has her own company, while my father was busy taking care of theirs too. The MFI needs him.” May pait sa boses ni Leister habang sinasabi niya ang mga iyon.

“You mean… the Martensen Fishing Incorporation?”

Nilingon niya ako at tumangong muli sa akin.

“Ayoko rin naman kasing pabayaan itong strawberry farm namin. I grew up here and witnessed my father took good care of this farm. Kaya, sa tuwing umaalis siya, ako ang namamahala rito. Lalong-lalo na dahil malakas ang strawberry jams namin, even outside the country.”

Napahiya tuloy ako nang maalala ko ang mga kabobohang mga sinabi ko sa kaniya noon. The way I humiliated him, the way I spoke to him like he’s a poor guy and a breadwinner who needs money for his expenses and for his daily living. Gayong, mas mayaman naman pala siya kaysa sa akin.

Nakakahiya ‘yon!

“Natahimik ka ata, anong iniisip mo?”

Ngayon, siya naman ang nagtatanong sa akin.

“Wala…” pagsisinungaling ko sa kaniya.

Narinig ko ang kaniyang pagbuntong hininga. He touched my jaw and make me look at him.

“Tell me, Celestine…”

“Wala, na-naalala ko lang iyong mga panahon na… pinahiya kita nang dahil sa inakala kong mahirap ka.” Pagdadalawang-isip kong sabi sa kaniya.

He chuckled at me and he held his right hand to me. Ang mapupungay niyang mga mata ay tumatama sa sinag ng araw. They way they sparks like it’s the most precious thing that I have caught through my eyes.

Walking back Home (Martensen Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon