Chapter 29

30 1 0
                                    

Chapter 29

Mommy was mad and furious when we got home. Itinapon niya ako sa may sofa nang marahas. She is breathing heavily, nakita ko rin ang iilang mga butil ng luha na nagsisilandasan mula sa mga mata ni Mommy.

She is hysterical and very mad at me. Nakapamewang siyang humarap sa akin at magkasalubong ang kaniyang mga kilay. I started crying, too! Ano namang masama kung bibisitahin ko si Leister?! I am just woried to death! He didn't answer my calls or even inform me about his day. Naninibago ako at nag-aalala ako nang sobra-sobra!

Alam kong hindi maganda ang nangyari noong gabing iyon, pero, hindi na ako nabigyan nang pagkakataon na makapagpaliwanag sa kaniya. Simula nun, hindi na niya sinasagot ang mga tawag ko. Dagdagan pa nang mga nangyari ngayon.

"Ang tigas talaga ng ulo mo, Celestine! Bakit hindi ka nakikinig sa'kin?! Bakit?!" Mommy's voice thundered the whole parts of the house.

It feels like it is a sin. A sin that I'll forever want to embrace with courage and bravery. Ganoon ko kamahal si Leister. Even when it's very late, I am still and forever willing to wait for him.

"I just want to visit Leister. May mali po ba doon?" Inosente kong pagtatanong sa kaniya.

She shook her head as a disbelief. Halatang hindi niya nagustuhan ang mga sinabi ko sa kaniya. Napahilamos siya sa kaniyang mukha at marahas na bumuntong hininga.

"Yes! Because I've told you not to go out! At sa mga Martensen ka pa talaga nagpunta?! Anong napala mo doon? Eh, hindi ba ay wala!"

Nasaktan ako sa mga sinabi ni Mommy sa akin ngayon, pero, kahit na gaano ko pa kagustong sagutin siya, magiging mali pa rin ang interpretasyon ko. She is always right in all aspects. Nang kahit si Daddy ay takot na takot sa kaniya.

"Why are you so mad to them?! Maybe, Tita Solene was right!"

I think I hit the core of her when I saw her being on shocked and too stunned to speak. Mas lalong nagalit si Mommy nang dahil sa aking mga sinabi. Lumapit siya sa akin at marahas na hinablot ang aking braso. She's shaking because of anger and gritted her teeth. Bigla akong natakot nang makita ko ang reaksyon ni Mommy. She's never like this before. Ano ba ang ginawa ng mga Martensen sa kaniya at ganito siya kagalit?

"How dare you say that to me! Why?! You know that woman already?! Anong mga sinabi niya sa'yo? Sabihin mo sa'kin!" panghahamon niya sa akin.

Kaagad akong umiling sa kaniya at hindi makatingin sa kaniya nang diretso. Masyado akong nagulat sa mga naging kilos ni Mommy at unti-unting napapaatras.

Nang mapansin niyang natatakot ako ay para siyang natauhan sa kaniyang mga ginawa at marahas na binitawan ang aking mga braso. She distanced herself from me and was heavily breathing.

"I am so wrong about bringing you here again and let you live here! Kung alam ko lang na magiging ganito, hinayaan nalang sana kitang manatili ng Manila!" She started sobbing and I don't really know how to comfort her.

Mas malapit ako kay Daddy, dahil si Daddy ang palagi kong masusumbungan sa lahat nang mga problema ko. Siya lang ang nakakakita sa halaga ko, siya lang ang nakaka-appreciate sa akin. Ngayong pauwi na si Dad galing states, at kung tuluyan man kaming bumalik ng Manila, si Daddy lang ang kakausapin ko. This is the reason why I don't know how to talk to her about this, because I don't want her to get mad at me. Kahit na alam ko naman na magagalit siya kapag hindi ko siya sinunod, hindi ko na lamang iyon inisip. We haven't ever had a heart-to-heart talk. Nag-uusap naman kami, pero, hindi kagaya ng ibang mga magulang na mapagku-kwentuhan nila sa lahat.

"I shouldn't let you befriend with the son of Duke! This is all my fault!"

Kumunot ang aking noo at gusto kong sumagot sa kaniya, ngunit, walang lumalabas sa aking bibig. Pakiramdam ko, dapat ko lang siyang hayaaan na magsalita. Hayaan ko siyang sabihin sa akin ang lahat.

Walking back Home (Martensen Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon