Chapter 34
Bigla akong nanghina sa mga sinabi ni Mommy sa akin sa kabilang linya.
Bumilis ang pagtibok ng aking puso at parang hindi ako makahinga.
No! Hi-hindi ko kayang tanggapin!
“Mommy…” iyon na lamang ang aking nabanggit nang magmadali akong pumunta sa bahay namin para matignan ang kalagayan ni Mommy.
I saw her drinking, and Daddy was trying to calm her down, but she’s shaking and still crying. Kaagad akong dumalo sa kaniya at nang makita niya ako ay niyakap niya ako nang napakahigpit.
“Hi-hindi naman iyon totoo, hindi ba? Hindi totoong patay na ang ina ko! Hindi ko ‘yon matatanggap!” she shouted with full of pain.
Unti-unti na rin nanlalabo ang aking mga mata nang dahil sa mga luhang nagbabadyang tumulo. Hinagod ko ang kaniyang likuran at pinatahan. I know it will be hard for Mommy. Kahit ilang taon silang hindi nagkasama, masakit pa rin iyon para sa isang anak.
“My, tahan na…”
“Hindi puwede! Hi-hindi pa ako nakakabawi sa kaniya!”
I look at Dad, and he’s worried about my mother’s situation right now. He kissed Mommy on the forehead.
“Geoffrey, hi-hindi naman totoo ang mga sinabi mo, ‘di ba?” Pag-uulit ni Mommy sa kaniya.
I let Dad embraced her even more. Inilagay niya ang takas na buhok ni Mommy sa likod ng tenga nito. He wiped the tears of my Mommy.
“I know it’s hard, honey, but… it’s true. Tumawag sa akin ang caretaker ng bahay, iyong kasama ni Mama. Inatake si Mama..” Daddy’s voice was gentle towards Mommy.
“Hi-hindi ko kaya, Geoffrey! Umuwi tayo! Umuwi tayo para kay Mama!” Hagulgol na pag-iyak ni Mommy sa bisig niya.
Mas niyakap ni Daddy si Mommy at hinayaan niya itong umiyak sa matipunong dibdib niya.
“Yes, we’re going home, Christine. We’re going home,” he whispered it to my Mother’s ear.
After all these years… babalik na naman ako ng Pilipinas. Pagkatapos nang mga nangyari…
“Mommy, pu-pwede ko bang makausap si Lola Cristy? I just missed her so much.” I tried to asked Mom about it.
Dahil iyon lamang ang natatanging paraan ko para makausap ko si Leister. Hindi ko na kayang palipasin pa ang isang buwan na naman nang hindi nakakausap ang taong mahal ko. Leister was close to my Lola, and sometimes he’s visiting Lola’s house. Baka, nagbabakasakali akong nandoon siya.
Alam ko rin naman na tutulungan ako ni Lola Cristy. Ganoon ako kamahal ni Lola.
BINABASA MO ANG
Walking back Home (Martensen Series #2)
Teen FictionNag-uumapaw sa galit ang isang Celestine Myrrh Lagare nang malaman niya na ililipat siya sa isang mamahaling skwelahan sa Iligan City. She is mad and furious at her mother, but she couldn't do anything about it. She waited and waited for months to g...