Chapter 27

15 1 0
                                    

Chapter 27

“Hindi mo naman sinabi sa akin na gwapo pala itong si Leister sa personal!” sabi ni Samantha habang kinikilig sa aking tabi.

Even when I’m bothered by something, I can’t help but be happy because, finally, Samantha is here. She visited me. Marami siyang naging tanong sa akin tungkol kay Leister at sinasagot ko naman siya. Ipinakilala ko kaagad sa kanila si Leister, and now she is curious about Leister’s life. Ang sabi niya sa akin, kahit sa Manila ay kilala ang mga Martensen.

Hindi lamang ako mapakali dahil nandito rin si Jaymhark sa bahay. Mommy is busy talking to him but his eyes was always on me. Hindi ko rin alam kung bakit gusto ni Mommy na sumali si Leister sa dinner namin ngayon. Kung may sasabihin siyang hindi maganda kay Leister, hindi rin ako magdadalawang-isip na sagutin siya.

“I have already told you about him,” I answered back to Samantha while helping her get the food.

Nilingon ko si Leister at nakita ko itong nakikipag-usap rin kay Lola Cristy sa may garden. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nilang dalawa at hindi nalang muna ako pumunta roon para makapag-usap pa sila nang maayos.

“I’ve heard, gwapo rin ang mga pinsan niya.” Nakangising sabi ni Samantha at hindi mapakali at pasulyap-sulyap ito kay Leister.

Inilapag ko muna ang mga pagkain na dala-dala ko at inayos ang mga pinggan. Samantha was right. Mommy bought a lot of food from her favourite restaurant. Chef Allen is also here, together with his team, to cook steak for us. Malaki ang ibinayad ni Mommy rito dahil nag-abala pa talaga siyang kausapin si Chef Allen para magluto sa amin.

“Totoo iyon, pero, mukhang may girlfriend na ang mga iyon.” Walang gana kong sagot sa kaniya at buntot pa rin siya ng buntot sa akin.

“Ipakilala mo naman ako sa kanila! Sige na! Magiging close ka rin naman nila dahil magiging girlfriend ka naman ni Leis-“ kaagad kong pinigilan si Samantha sa kaniyang mga sinasabi at tinakip ko ang aking kamay sa kaniyang bibig.

My eyes widened and I shook my head on her. Kunot ang aking noo at kaagad naman niya akong naintindihan sa ibig kong iparating sa kaniya.

Kinabahan ako nang lumingon si Mommy sa aming direksyon at seryoso itong nakatingin sa akin.

“Samantha, don’t say anything about us. Walang alam si Mommy,” malamig kong sabi sa kaniya.

Itinaas niya ang kaniyang mga kamay na para bang sumusuko na.

“Fine! Fine! Alright,” ani Samantha.

“Food is ready!” Chef Allen said to us.

Nabaling ang atensyon naming lahat sa kaniya at lumapit naman si Mommy sa kaniyang direksyon.

Nagsilapitan na sila sa dining area at kaagad akong lumapit kay Leister. Nag-aalala akong tumingin sa kaniya at napabuntong hininga.

“Okay ka lang ba?” hindi ko mapigilan ang sariling magtanong sa kaniya.

My mother was distant and indifferent towards him, but he’s always charming and bright, and he had a light expression towards my mother.  Hindi niya pinapansin ang pagiging malamig na pakikitungo sa kaniya ni Mommy, iyon ang inaalala ko.

“Yes, I’m fine pangga. Nag-kwentuhan lang kami sandali ni Lola Cristy. Don’t worry, ‘kay?” he whispered it to me.

Sasagot na sana ako nang biglang magsalita si Mommy.

“Celestine, dinner is ready. Don’t make the food wait for you.” Mommy said in a cold tone of voice.

Sabay kaming dalawa ni Leister na naglakad papunta sa dining area. Tahimik ang paligid at nakita ko ang pagiging tahimik nila Samantha at Jaymhark sa hapag kainan. Kahit si Lola Cristy.

Walking back Home (Martensen Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon