Inirapan ko nalang ito at dumiretso sa second floor.
Pagkarating ko roon ay kaagad kong hinanap ang Class A, Section A. I will immediately ask the registrar if they will put me into Class B. I am definitely smart and intelligent! Kaya, hindi talaga ako papayag kung ilalagay nila ako sa mas lower.
I haven't yet entered our classroom. Pinagmasdan ko muna ang aking mga magiging ka-klase. Tumaas ang aking kanang kilay nang makita ko ang ibang mga studyanteng babae ay naglalagay ng make up sa kanilang mga mukha. Ang iba naman ay nakikipag-chismisan!
So cheap!
Paniguradong walang pinag-aralan ang mga ito! Paniguradong wala itong mga natandaang mga lessons from previous topics!
I shook my head to avoid the irritation that I had felt. Taas-noo akong pumasok sa loob ng classroom at natigilan naman sila nang makita akong pumasok.
Their jaws dropped when they saw their new classmate.
Hindi ko sila pinansin at dumiretso ako sa may dulo. Usually, I sit in the front, but in my case, I don't have the strength to sit in front since I am a new student here.
Mas maganda kung sa dulo ako uupo, less hassle, less chismis, and less talking. Narinig ko ang dahan-dahan nilang pagbulong-bulongan, habang nakatuon pa rin ang buong atensyon sa akin.
Kaagad kong inilagay ang aking Hermes bag sa ibabaw ng aking chair at umupo. I didn't look at them or smile at them. Sino ba sila para pansinin ko? Even if I didn't gain friends here, it is still okay, because I can still excel in all our subjects.
Marahas akong napabuntong hininga at napalingon sa mga electric fans na nakasabit sa ibabaw.
Ang init!
I didn't remove my sunglasses. Hinayaan ko silang pagchismisan nila ako. Even the boy from the back kept talking about me.
Ganito ba talaga sila kapag may bago?
Napalingon ako sa aking harapan nang makita ko ang apat na babaeng nagchichismisan, habang sumusulyap sa aking direksyon paminsan-minsan.
The one who still kept talking was the one in ponytail hair, while the other one was a short-haired girl. Ang dalawang babae na katabi naman nito ay mataba at maitim. Swerte iyong isa kasi maputi.
The issues with me eventually faded when someone entered our classroom.
Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko si Leister!
What the hell is he doing here?! Ba-bakit siya nandito sa classroom namin? Don't tell me, he is also a Grade eleven student from Class A, Section A?!
No! This couldn't be!
Nakapamulsa siya nang pumasok sa loob ng classroom. Napatuwid pa ako sa aking pagkakaupo nang mapansin kong naghahanap ang kaniyang mga mata sa isang bakanteng upuan.
I swallowed hard and immediately put my bag from the side of the chair. Ayoko siya na tumabi sa akin.
Nagsitilian ang mga babaeng nagchichismis kanina.
"Hi, Leister!"
"Hi, Leister! Dito ka nalang umupo sa tabi namin."
"Oo nga, dito nalang!" maligayang sabi ng isang babaeng maikli ang buhok.
She even tapped the chair to catch the attention of Leister. Ngumiti ito sa kanila at umiling.
Nadismaya silang apat pero nagpapapansin pa rin kay Leister.
"I'll sit at the back," he said quickly before looking in my direction.
Mahigpit ang pagkakayakap niya sa kaniyang backpack at ngumiti sa mga babaeng ka-klase namin. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa aking direksyon.
BINABASA MO ANG
Walking back Home (Martensen Series #2)
Teen FictionNag-uumapaw sa galit ang isang Celestine Myrrh Lagare nang malaman niya na ililipat siya sa isang mamahaling skwelahan sa Iligan City. She is mad and furious at her mother, but she couldn't do anything about it. She waited and waited for months to g...