CHAPTER 7: Possibility

2.6K 86 22
                                        

“Paano naman ako tuluyang makakalimot? Hindi ko man lang nalaman kung bakit niya ako nagawang ipagpalit. Kung may kulang ba sa akin? Kung bakit sa dami ng lalaki, sa best friend ko pa? May nagawa ba akong masama? Sa loob ng apat na taon na iyon, wala akong ibang ginawa kung hindi ayusin ang sarili ko para pumantay at makahabol sa napakataas na standards niya. Tapos lahat nang iyon ay nabalewala dahil lang sa best friend ko?”

Bumuntong-hininga ako, hindi ako maka-relate dahil wala naman akong naging ex. Hindi ko pa rin nararanasan ang magmahal ng ganoon, o kahit ang mahalin ng higit pa sa ibang mga bagay. Kaya tuloy ginamitan ko na lang ng logic ang buong sitwasyon para naman may maisagot ako sa mga hinaing niya.

“B-Baka hindi ka talaga niya minahal…” maingat at hindi siguradong sagot ko.

I don’t know what to say.

He chuckled, a soft, amused sound that made my chest tighten. Umayos pa siya ng upo saka ako muling tiningnan. He glanced at me with that teasing look that made me feel both embarrassed and strangely flustered. Bigla tuloy akong napaisip kung tama ba ang nasabi ko o dapat bang hindi na lang ako nagsalita ng kahit ano.

“Masakit ka talagang magsalita ’no?” he asked amusingly.

“Totoo naman, right Kung talagang minahal ka niya, bakit ka niya ipinagpalit? I may lack experience, pero hindi ako tanga. Alam kong kapag nagmahal ng totoo ang isang tao, hindi na iyon mawawala o mapapalitan ng kahit sino.”

“Saan mo naman nalaman ang mga bagay na iyan? May naging girlfriend ka na ba?” may bahid ng pagdududa na tanong niya.

Napailing na lang ako at napapalunok na iniwasan ang tingin niya. “I’ve never had a girlfriend before. May iilan akong nagustuhan noon, pero hindi ko naman ganoon kagusto para pormahan. Mas mahalaga sa akin ang pag-aaral at sarili, kaya hindi na ako sumubok.”

Kagaya ng sinabi ko sa kaniya, ayaw din ng parents ko ng kahit anong distractions para sa akin, kaya hindi ko na binalak pa. Para sa kanila, ang pag-ibig sa murang edad ay hadlang lang sa pag-aaral at pangarap. Hindi naman ako sumang-ayon, pero wala rin akong dahilan para kumontra, kaya hinayaan ko na lang.

“Edi mabuti. Huwag ka na munang mag-explore ng kahit na anong tungkol sa love. Ang mga kagaya mong walang experience, mabilis lang masasaktan, kaya mas mabuti umiwas ka na lang,” he said as if he’s way older than me.

“Sana sinabi mo iyan sa sarili mo noon para hindi ka nagkakaganiyan ngayon,” pasaring na bulong ko.

Ang lakas niyang mag-advice, hindi naman niya ma-apply sa sarili niya. Kung hindi sana siya basta-bastang pumapasok sa mga relasyon, hindi sana siya nag-e-emote ngayon dito sa abandonadong parke habang dumudugo ang pisngi dahil sa suntok ng kung sino. Ang bata pa pero my ex na pala. Nauna pa yata siyang magka-girlfriend kaysa matuto ng multiplication table, eh.

“That’s how ironic life can be. Kagaya ng pagmamahal, kaya kong ibigay sa iba pero hindi ko kayang ibigay sa sarili ko,” he whispered and smiled sadly.

I beg to disagree.

“How can you give what you don’t even have in the first place? Mahalin mo ang sarili mo bago ka magmahal ng iba. Para kapag nasaktan ka, may matitira pang pagmamahal para sa iyo,” naiiling kong sermon. “Parang hindi ka naman nag-iisip.”

He sighed. “Pero tingin mo, kaya ko pang magmahal ulit?”

Natahimik ako at hindi kaagad nakapagsalita dahil sa tanong niyang iyon. Ganoon ba niya kamahal si Tanya para hindi na isiping magmahal pa siya ng iba bukod dito? I couldn’t help but wonder at the way she looked. She maybe looked like a goddess. Kaya siguro grabe na lang ang panghihinayang ng batang ito.

DBS#3: Mending the Scars Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon