CHAPTER 14: Hurt

2.3K 54 24
                                        

Wala kaming pasok sa isang subject ngayon dahil sa biglaang meeting ng lahat ng mga professors para sa nalalapit na celebration ng foundation week. Sumakto pang lunch break din ngayon kaya mahaba ang magiging bakanteng oras namin.

"Labas tayo! Starbucks?"

Umiling ako sa alok ni Anikka habang patuloy sa pagliligpit ng gamit. "May pupuntahan ako. Ikaw na lang muna."

"Mahaba pa naman sana ang oras natin ngayon para mag-date," she pouted.

"Iyon nga ang ayaw ko, mahabang oras kasama ka."

Ilang beses pa niya akong pinilit pero wala siyang nagawa nang lumabas na ako ng classroom at iniwan siyang nakasimangot sa loob. Sa canteen ako kakain at sasabay ako sa D'Beasts dahil kaunti na lang ay makakalimutan ko na ang mga itsura nila. Nasa iisang school lang naman kami pero hindi namin madalas nakikita ang isa't-isa. Kung engineering sana ang kinuha kong program, edi sana ay ilang building lang ang pagitan ko sa building nila Akiro.

Dahil malayo ang canteen kung saan ako nanggaling ay ilang minuto pa bago ako tuluyang makarating. Nag-order na muna ako ng mga pagkain. Natanaw ko na naman ang table nila at mukhang may pinagkakatuwaan pa dahil naririnig ko mula rito ang ilang mga halakhak.

I ordered a lot this time, so I can share some with them. Walang naging pila dahil medyo nahuli ako ng kaunti sa mismong oras ng lunch break. Mabuti na rin para makakain na kaagad dahil nakakaramdam na rin ako ng gutom.

"Kahit ako rin naman! Bakit naman ako-" hindi na natapos ni Ford ang sinasabi niya nang ibaba ko sa table ang dala kong mga pagkain. "Bry! Nandiyan ka pala! Mabuti umabot ka pa. Akala namin ay hindi ka na naman sasabay, eh."

"Hindi na ako nakapagsabi."

Dahil nauumay na rin naman ako sa mga pagkain doon, at isa pa, ayaw ko na rin sumabay kay Anikka. Baka lalong isipin ng mga ito na girlfriend ko nga iyon, kahit hindi naman. Nagkakalat lang sila ng misinformation.

Naupo ako at pansin ko ang mga nakakalokong ngiti nila sa akin na para bang may ginawa akong kalokohan. Siguradong magtatanong na naman ang mga sa-

"LQ kayo ng girlfriend mo kaya bumalik ka na sa amin?"

Humugot muna ako ng isang malalim na paghinga bago sinagot ang tanong na iyon ni Bien. "Hindi ko iyon girlfriend. Gusto niya raw ako, pero hindi ko naman siya gusto kaya magkaibigan lang kami. Hindi kami MU at lalong hindi ko siya nililigawan."

"Ibang klase na nga talaga ang kaibigan namin. Marunong nang magpa-asa!"

What the fuck? Ipinaliwanag ko na nga sa kanila ang lahat ng mga dapat nilang malaman para hindi na sila mag-isip ng kung ano sa amin ni Anikka, pero balewala pa rin. At saka, hindi ko gawain ang magpa-asa, 'no! Totoo ako sa mga salita ko at sa palagay ko naman ay hindi ako marunong magbigay ng false hope.

"Ano bang pinag-uusapan niyo kanina? Ibalik niyo na lang doon para naman makakain muna ako," suhestiyon ko habang hinahalo ang pasta na in-order ko.

Naabutan ko kasi sila kanina na mukhang may kung anong topic. Mabuti pang ibalik na lang nila roon ang usapan. Baka kung saan pa makarating at marinig ko na naman ang pangalan ni Top.

"Ah! Tungkol lang iyon sa mga tipo namin sa isang tao," ngising sagot ni Vince. "Ikaw, ano bang tipo mo?"

"Wala. Hindi ako interesado sa pakikipagrelasyon o pagkakagusto sa kahit sino," kibit-balikat kong sagot at nagsimula nang kumain.

"For sure may mga certain types ka pa rin. Alam naming mataas ang standards mo," Akiro chuckled.

Dahil sa tanong na iyon ay napaisip tuloy ako. Ano-ano nga ba ang mga tipo ko sa isang tao para ma-attract ako sa kanila romantically?

DBS#3: Mending the Scars Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon