CHAPTER 13: A Visitor

2.2K 60 9
                                        

“I just want to know kung bakit mo ba ako iniiwasan.”

Tama nga ang hinala ko na hindi talaga siya tutupad sa usapan. Ang usapan namin ay aalis kaagad siya matapos niyang mabisita si Pancake. Tapos ngayon ay nag-iinarte siya na para bang ang dami-dami kong dapat ipaliwanag sa kanya dahil lang sa dalawang linggo kong pag-iwas. Hindi na dapat ako magtaka. Para namang hindi pa ako sanay sa ganitong ugali niya.

“Alam mo namang busy akong tao tapos magtatanong ka pa,” tamad na sagot ko habang inaayos ang mga nursing sheets na nasa ibabaw ng table.

Kakatapos lang ng duty namin kaya halos kakauwi ko lang nang dumating naman ang isang ito. Hindi na ako nakapagligpit sa biglaang text niya na nasa parking lot na siya kaagad. Naabutan niya tuloy na nakakalat ang mga reviewers at notes ko kung saan-saan.

“I know you’re busy, pero bakit palagi mong kasabay iyong babae mong kaklase?”

For sure, he’s meant Anikka dahil ito lang naman ang palaging nakabuntot sa akin. Nagkataon pang ito rin ang nakita niya kahapon na kasama kong kumain sa mga stalls malapit sa building nila. Hindi na naman nakakapagtaka na ma-issue kaming dalawa dahil sa lahat ng mga kaklase ko, siya lang talaga ang madalas kong nakakasama.

“She’s a friend,” tipid kong sagot.

“Kaibigan mo rin naman ako, ah.”

Huminto ako sa pagliligpit at inis siyang tiningnan. “Ano bang trip mo? Ang usapan natin ay bibisitahin mo lang si Pancake, ah. Tapos ngayon ay kung ano-ano nang tinatanong mo.”

“It’s like hitting two birds with one stone, Baymax. Dadalawin ko si Pancake and at the same time, kakausapin din kita.”

Hindi ko rin maintindihan ang logic nito. Malinaw na naman ang sinabi niyang si Pancake lang ang sadya niya. Wala talaga siyang isang salita. Kung alam ko lang na kukulitin niya ako ng ganito, inilabas ko na lang sana si Pancake sa parking lot kanina para makita niya pa rin kahit hindi na siya umakyat dito mismo. Hindi niya alam kung ilang demonyo ang sumapi sa akin para lang hayaan siya sa gusto niya kahit na hindi ako kumbinsido.

“Bakit hindi ka na tumatambay doon sa madalas nating tambayan?”

“Busy nga ako! Paano ko pa makukuhang tumambay?”

At saka, ayaw niya noon? Hindi masisira ang diskarte niya kung sakaling dumating si Tanya. Kung madalas akong naroon, baka hindi na siya lapitan ng pinakamamahal niyang ex-girlfriend. Magiging hadlang pa ako sa pag-iibigan nilang dalawa.

“Wala na tuloy akong maasar doon kasi wala ka.”

Ngumisi ako at tinaasan siya ng kilay. “How about Tanya then? Tutal ay siya naman talaga ang sadya mo roon.”

Halata sa mga mata niya ang pagkagulat. Hindi kaagad siya nakapagsalita dahil sa sinabi ko. Hindi niya siguro inasahan na mababanggit ko ang pangalan ng pinakamamahal niya. Nagulat ba siya dahil alam kong ang madalas niyang pagpunta roon ay para abangan si Tanya? O nagulat siya dahil kilala ko ang ex-girlfriend niya?

“Do you know her personally? Sinong nagsabi sa iyong doon din ang department ni Tanya?” nagtataka at may halong gulat na tanong niya.

Hindi ako sumagot at nagkibit-balikat na lang. Bakit ko naman ilalaglag ang mga sources ko? Stupid! Ano naman pati ngayon kung malaman kong nursing student din si Tanya? May magagawa ba ako roon? Tss.

“Look, that’s not what you think. I don’t know who told you that I was there just because I’m waiting for Tanya. I admit, noong una, nandoon ako para makita siya dahil pareho kayo ng department, but as days go by, nag-iba na ang dahilan ko kung bakit ako tumatambay doon tuwing free time,” he explained himself, like I asked for his explanation.

DBS#3: Mending the Scars Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon