Sabado ngayon at plano kong bumili ng mga gagamitin ko para sa Lunes. Naayos na namin lahat ng mga kailangan, ang dapat na lang namin gawin ay ihanda ang mga sarili at ang mga gagamitin namin during the duty . I’m assigned to Saint Benedict’s Medical Hospital, a school-affiliated hospital. Malapit lang din sa school kaya mabilis akong makakalapit sa mga professors namin kung kailangan. At mabilis akong makabisita kung sakaling… may e-emergency sa D’Beasts.
“Is that all, sir?”
“Yes, thank you.”
Matapos kong makabili ng ilang medical supplies ay dumaan din muna ako sa bilihin ng mga pet supplies para naman kay Pancake. Alam kong marami pa siyang gatas sa condo, but I want to make sure na hindi siya mauubusan ng stock, lalo pa at busy na ako sa mga darating na araw dahil eight to twelve hours ang shift ko.
Two hours pa lang ako sa labas ay gusto ko na kaagad umuwi para puntahan si Pancake. Simula nang maibigay iyon sa akin ay nawalan na ako ng oras sa iba pang mga bagay, kagaya ng basketball. Every weekends kasi ay wala si Amy sa condo dahil kailangan siya sa bahay, kaya ako na lang ang nag-aalaga kay Pancake.
“Gusto ko nang mahiga! Ang sakit na ng likod ko,” reklamo ko nang makasakay sa kotse.
I started the engine at wala pang ilang minutong pagmamaneho ay napahinto ako dahil may pamilyar na tao akong nakita. Maingat kong ipinarad ang sasakyan bago lumabas. Tiningnan ko pa ulit kung tama nga ba ang nakita ko o namalik-mata lang ako.
I-Is that really him?
“Ano naman ang ginagawa niya roon ng ganitong oras?”
It’s almost six in the evening at dumidilim na sa paligid kaya medyo nag-alangan pa ako kung lalapitan ko. Baka mamaya ay multo pala ang isang iyon at mahimatay pa ako dahil sa takot.
Sa huli, napagpasyahan kong lapitan na lang dahil hindi ko naman malalaman ang totoo kung hindi ko pupuntahan. Kinakabahan kong binagtas ang daan papunta sa luma, madilim, at abandonadong parke. Hindi ito ang unang beses na napadaan ako rito pero ang pumasok mismo sa loob at maupo sa mga benches na naroon ay hindi ko ginawa kahit minsan.
Habang papalapit ako ay mas lalong luminaw ang imahe ni Top na nakaupo roon at malalim ang iniisip. Hindi siya kumikibo at mukhang hindi rin niya napansin ang pagdating ko.
“Hoy! A-Anong ginagawa mo riyan at-fuck! Bakit may d-dugo ka sa pisngi?”
Naalarma ako nang makita ang tumutulong sariwang dugo mula sa pisngi niya. Halatang bago lang ito pati na rin ang namumulang parte ng mukha niya na sa tingin ko magiging pasa kalaunan.
Pero bakit nga kaya dumudugo ang pisngi niya?
Nagtataka niya akong nilingon at kaagad na kinapa ang pisngi na parang wala siyang ideya sa dugong tumutulo mula rito.
“Shit! Natamaan pala ako ng gagong iyon?”
W-What? Nataamaan ng ano? Talagang dito pa niya naisipang makipag-away, huh? Kung mapuruhan siya rito ng bugbog, walang makakakita para tulungan siya. Hindi talaga nag-iisip!
“So, nakipag-away ka na naman?”
Kapag nalaman na naman ito ni Bien ay siguradong aapoy na naman iyon sa galit at magkakaroon na naman sila ng pagtatalo. Talaga palang walang pinakikinggan ang lokong ito, kahit pa kapatid na niya mismo.
“Bakit ka naman nandito?” pang-iiba niya ng usapan.
“Napadaan lang. Nakita kita kaya huminto ako. Akala ko ay kung ano nang dahilan kung bakit ka nandito. Nakipag-away ka lang pala,” dismayadong sagot ko.
“Hindi ako nakipag-away. N-Nakipagkita ako rito kay-nevermind. Akala ko lang ay pupuntahan niya nga talaga ako rito…”
Wala akong kahit na anong naintindihan sa sinabi niya. Kanino siya nakipagkita? At bakit sa dami ng lugar ay dito pa sa abandonadong park? Hideout niya ba ito o ano?
BINABASA MO ANG
DBS#3: Mending the Scars
Tiểu Thuyết ChungCOMPLETED // UNDER EDITING D'BEASTS SERIES #3: Mending the Scars Bryle Henry Sullivan has always lived in silence and order. Sa tatlong bagay lang umiikot ang mundo niya: school, varsity, and perfect grades. Love has never been part of his plans. H...
