"That's all for today class, kapag nakapag clearance na kayo, pwede na kayo mag bakasyon, see you next school year, thank you everyone"
Yes, that's it. End na ng school year, makakapag bakasyon na din ang lahat. Wala ng iisipin na demo teaching, lesson plan, quiz at instructional materials. Matatamasa na din ang 24 hours na tulog.
Deserve natin lahat ng pahinga?!
Nang makalabas na ang teacher namin ay inayos ko na din ang gamit ko at naglakad na paalis. Bago lumbas ng school ay dumiretso muna ako sa locker ko para kuhanin ang gamit ko don. Kagaya nalang ng pe uniform na, mga pamalit na damit.
Nang makuha ko na ang pakay ko ay, umalis na ako at dumiretso sa inuupahan kong apartment. Nahiga lang muna ako at nag isip isip kung uuwi ba ako ng probinsya or dito nalang muna ako sa Manila. Pero iniisip ko din na sayang naman ang bakasyon kung andito lang ako diba. Mag isa lang ako dito at mababagot.
Sanay naman ako mag isa eh. Totoo yon?! Wala na akong magulang, I mean meron naman kaso may sarili na silang pamilya. Si mama nasa America, si papa naman di ko alam kung nasan na sya pero iniwan nya kame bata palang ako at sumama sa kabet nya. Kaya ayun, lolo at lola ko nalamg nag alaga sakin.
Nang maisip ko sila Lola ay kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko at tinagawan sila.
"Hi Lola, kumusta kayo dyan?" Nakangiting tanong ko kay Lola na ngayon ay ka- video call ko "La, itutok nyo po sa mukha nyo yung camera, hindi po sa tenga" nakita kong inaayos ni Lola ang cellphone nya.Nag back camera pa ito, siguro ay dahil may napindot.
"Okay naman kami apo, ikaw kumusta ka dyan" tanong nito sakin sa video call pero ang nakikita ko sa screen ay ang paa nito na may nakasuot pang bakya.
"La, naka back camera po kayo, pindutin nyo po yung camera icon, para makita ko yung mukha nyo" natatawang sabi ko.
Narinig ko pang tinawag ni Lola sa Tita Mercy para ayusin ang camera nya.
"Ayan La, okay naman po, bakasyon na po namin, uuwi po ako dyan"nakangiti kong sabi at nakita ko sa screen kung gaano lumawak ang ngiti ni Lola sa sinabi ko.
"Ay nako, talaga ba? Oh sige, kailan ba ang uwi mo para masundo ka namin sa terminal ng Lolo mo" nakangiting sabi nito, narinig ko pa si Lolo na nagsalita at inagaw nya kay Lola ang cellphone.
"Uuwi kana Mira? Gusto mo ba sunduin ka namin sa terminal? Ipagluluto ka ni Lolo ng masarap na Pakbet na paborito mo" sabi ni Lolo sakin.
Grabe naman ang tuwa ko sa mga alok nila at halatang excited din sila sa pag uwi ko. Ilang buwan din kasi akong di nakauwi sa Probinsya. Huling uwi ko pa ay nung bagong taon. Siguro nga ay miss na miss nila ako.
"Hindi na po, wag niyo na akong sunduin sa terminal, at tska Lolo, pati po sisig ha, lutuan nyo din po ako" sabi ko.
"Kahit lechon pa yan, ipagluluto kita" natutuwang sabi nito sakin. Napaka swerte ko pa din kase kahit na wala akong nanay at tatay. Meron naman akong mapag mahal na mga Lolo at Lola.
Kinuha na ni Lola anh cellphone kay Lolo dahil inuumpisahan nya nanaman ipakita sakin ang mga pictures na nasa pader ng bahay nila. Walang mintis sa pag papakita sakin ni Lolo ng pictures na nakasabit sa Bahay. Lalong lalo na ang pictures ni Lola Fely. Ang nanay ni Lolo.
"Akin na nga yan, pinapakita mo nanaman yang pictures ni Nanay eh, pag pasensyahan mo na ang Lolo mo ha, kailan ba ang uwi mo Mira?" Tanong ni Lola sakin.
"Bukas po" magiliw na sabi ko dito.
"Oh sige, mag impake kana dyan ng mga dadalin mo dito para wala kang maiiwan ha. Mag ingat ka apo" paalam ni Lola sakin at pinatay na ang tawag.
BINABASA MO ANG
Lakbay
Historical FictionAlamin at tunghayan ang pag lalakbay sa mundo ng nakaraan. Ang misyon na muling ituloy ang pag iibigang, hindi napagbigyan sa nakaraan. Makakamit na kaya? ~ |Fiction| (Ongoing)