Day 3

162 6 0
                                    

Pagkatapos naming mag tanghalian nila Lola ay pumasok na ako sa kwarto ko para magpahinga at matulog. Kinakabahan pa din ako baka magpakita pa sakin yung matanda kase sa veranda ng kwarto ko sya huling nakita. Kung ako palang ay natatakot na sakanya paano pa kaya ang napag daanan ni Lola Fely.

Napalingon ako sa pinto ng kwarto ko at ganun na lamang ang gulat ko ng makita ko ang isang babaeng kamukhang kamukha ko. Nakasuot ito ng filipiniana na kulay puti ang pantaas at kulay brown naman ang pang ibaba.

Pumasok ito sa kwarto ko at naupo sa paanan ng kama ko.

"Hindi ko na kaya ang mga nangyayari. Bakit ba ayaw akong pakinggan ni papang. Hindi ako makakapayag na si Juancho ang mapapangasawa ko" humihikbing sambit nito habang nakayuko.

Bigla nalang padarag na bumukas ang pintuan ng kwarto at iniluwa nito ang lalaking nakita ko kanina. Galit na galit ang expresyon ng mukha nito. Pumasok sya at pumunta sa harap ng babae.

"Ano ba ang nangyayari sayo, bakit ba kay tigas ng ulo mo?! Pamilya ni Juancho ang pinakamayaman sa buong Laoag. Pamilya nila ang makakatulong saatin?!" Galit na sabi ito habang paikot ikot sa harap ng babae at humihithit ito ng pagka laki laking tabaco.

Tumingala ang babae at tumayo ito, dumiretso ito sa veranda at doon nag iiyak. Lumingon ito sa kanyang ama.

"Pero papang, hindi po maaari ang inyong gusto. Hindi po ninyo ako maintindihan. Nobyo po ng kaibigan ko si Juancho, nirerespeto ko po ang pagkakaibigan namin ni Hilda" umiiyak na sabi nito habang nakatitig sa mukha ng kanyang ama.

Naglakad papalapit ng dahan dahan ang matandang lalaki. At kita sa mukha nito ang galit.

"Pero respeto sa ating pamilya ay wala?! Aanhin mo ang pagkakaibigan ninyo kung mahirap tayo? Mapapalakain ba ng pagkakaibigan nyo ang ating mga sikmura?!" Galit na galit na sabi nito habang dinuduro ang babae.

Kita sa babae ang takot kaya naman bago pa makalapit ang matandang lalaki ay tumakbo na ito palabas ng kwarto. Tinabig ng babae ang matandang lalaki dahil nahaharangan na nito ang daanan palabas ng veranda. Nakita ko kung paano itinapon ng matandang lalaki ang mga librong nakasalansan sa bookshelf. Dali daling lumingon ito sa ibaba ng veranda at nakita ang papalayong babae.

""Felomina?!! Umakyat ka rito sa taas ngayon din?! Suwail ka?! Suwail!" Galit na galit na sigaw nito sa babaeng papalayo sa kanilang bahay.

Nakita kong nag martsa ito ng mabilis pababa sa labas ng kwarto.

Hindi ako makagalaw sa kinakaupuan ko sa kama. Totoo ba itong nangyayari sa akin? Bat ako nag kakaroon ng flashbacks? Bakit ba ako nakakaranas ng ganito?

Nang nagkaroon ako ng lakas ay tumayo ako at sumilip sa veranda. Tinitignan ko kung ano ba ang nangyayari. Nakita kong wala na doon ang matandang lalaki pero andon naman ang babaeng nasa mid age na din. Nakita kong nakaluhod ito sa lupa habang umiiyak at inaalo naman ito ng dalagang babae.

"Senyora, tahaan na po" sabi ng dalaga habang pinipilit itayo ang ginang. "Makikita din po natin si Fely" sabi nito sabay dala sa ginang sa loob ng bahay.

Fely? Fely nanaman?!

Naalala kong nasabi nga pala ni Lolo kanina na pangalan pala ni Lola Fely ang Felomina.

Bakit kaya? Ano na kayang nangyari kay Lola Fely.

Nag ipon ako ng napakadaming lakas. Huminga ako ng malalim at nag pasyang bumaba sa kwarto. Paglabas ko ng kwarto ay nag iba ang awra ng paligid. Para talaga akong nasa ibang dimensyon. Ang bahay namin ay mas naging makulay at mas mabuhay kaysa ngayon. May mga lumamg gamitan na ngayon ko lang nakita.

Nang akmang bababa sana ako sa sala ay nakita kong paakyat ang dalagang babae kanina na nasa baba. Pumasok ulit ako mg kwarto at magtatago palamg sana ako pero naabutan nya ako.

LakbayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon