"Ang pag iibigan na tunay ay kahit pa sa susunod na habang buhay ay hahanapin ka nito ng paulit ulit". - Percy
------------
Dahil sa kagagahan ko ilang minuto din kaming naglakad pauwi ni Super Lolo. Sa totoo lang hindi ko naman ramdam yung ngalay eh kasi na enjoy ko naman yung paglalakad na yon kasama siya.
"Bakit pa kasi sinama mo ko don. Pwede naman hindi nalang" reklamo ko sakanya habang heto naglalakad pa din pauwi.
"Dahil gusto kita isama. Dahil ayokong magalit ka sa aking muli kapag nalaman mong sa tahanan nila Margarita ang kasiyahan. Mas nararapat lamang na alam mo kaysa ikagalit mo" seryoso pero malunay na sabi nito.
Tibok ng puso...
Malakas na kabog ng dibdib...
Wala akong ibang maramdaman kundi kabog ng dibdib...
Hindi ko alam kung ano bang dapat maramdaman ko. Kikiligin ba ako ano? Bakit? Bakit siya takot na magalit ako?
Hindi kaya dahil sa sobra yung pagka maldita ko?
Baka yun na nga!
"Sus w-wala yon". Uutal na sabi ko. Kasi napaka mix ng emotion ko sa sinabi niyang yon.
Tumingin ito sakin na parang nang aasar.
"Ang huling hindi ko pagsasabi sa iyo ng totoo ay napahamak ka. Ayaw ko na muling mangyari yon. Dahil ayokong nakikita kang nasasaktan".
Deeym!? Deeeeym!!!!!
Loord??? Are you there po ba?
Oo nga ano! Dahil sa nangyayari yon hindi ko maramdaman kung okay paba ako at ang natamo ko sa pag kakalaglag ko sa hagdan.
"Ayos ka lamang ba? Pinagpapawisan ka. Masiyadong mainit ang traje na isinuot mo ngayon". Aniya
Hindi gorl! Pinagpapawisan ako sa mga pinag sasasabi mo!
"Kaya nga, ang bigat pa. Malapit naba tayo?" Pag iiba ko ng tanong. Dahil hindi ko na alam ang gagawin ko kung mag bibigkas ulit sya ng mabubulaklak niyang salita.
Tumango ito. "Malapit na".
Makalipas ang dalawang minuto ay nasa tarangkahan na kami ng bahay nila. At yon ang pinaka mahabang dalawang minuto ng buhay ko.
Tahimik lang kami sa dalawang minuto na yon.
Walang nagsalita.
Puro kuliglig lang ng mga insekto ang naririnig namin, mga alitaptap na umiikot sa bumbilya ng ilaw.
Mga taong naglalakad gamit ang mga lampara nila.
Nang nasa tarangkahan na kami ay hinatak ni Percy ang bell na nasa gilid ng gate. Yung bell ay nasa mataas na parte ng gate, kaya naman may kadena ito para hatakin.
"Ayos ka lamang ba?" Tanong nito sakin.
Tumingin ako sakaniya at tumango
"Napakagod lang siguro ako" pagpapalusot ko.
Syempre! Alangan namang sabihin kong nataranta yung damdamin ko sa mga pinagsasasabi niya kanina.
Makalipas lang ang ilang segundo ay binuksan na ni Manang Flora ang gate at kita sa bakas nito ang pag aalala.
"Dalian ninyong pumasok, Senyorito" wika niya sabay hinatak kaming dalawa at agad na sinara ang tarangkahan.
Naguguluhan namang tumingin si Percy kay Manang na ngayon ay hindi mapakali.
BINABASA MO ANG
Lakbay
Historical FictionAlamin at tunghayan ang pag lalakbay sa mundo ng nakaraan. Ang misyon na muling ituloy ang pag iibigang, hindi napagbigyan sa nakaraan. Makakamit na kaya? ~ |Fiction| (Ongoing)