Mali nga talaga yung dinaanan ko, papuntang likod bahay ang napuntahan ko. I t-tour nya daw sana ako sa buong hacienda nila. Nang lumabas kami sa bahay nila ay ngayon ko lang na appreciate yung buong palagid. Napaka lawak ng hacienda nila. Pag labas na paglabas mo ng main door ay bubungad sayo ang hardin na puno ng rosas na iba iba ang variety at iba pang mga bulaklak.
Napakalawak din ng buong paligid. Naabutan pa namin na may nag-aani ng tubo, mais at mga mangga sa buong hacienda.
"Magandang umaga ho, Senyorito Percy" bati ng isang matandang magsasaka kay Percy. Nakasakay kase kami ngayon sa kalesa at nadaanan namin sila. Napatingin naman ito saakin at tumingin ulit kay Percy. Kitang kita sa mukha nito na para bang nang aasar at tumataas taas pa ang kilay. "Napakaganda naman ng iyong kasama Senyorito. Mukhang napa-ibig ka nanaman" natatawang sabi nito.
"Hindi ho Manong Ising" natatawa ding sabi ni Percy. "Bisita po namin sya"
"Nako sayang naman. Napaka ganda ng dalagang ito" tingin nya saakin "Maganda ang magiging supling ninyo kung sakaling kayo ang magkakatuluyan"
"Nako Mang Ising hindi ko po gustong jowa tong si Percy" sabat ko naman "Baka nga po may jowa na to eh" Tumingin naman saakin si Mang Ising na nagtataka at nakakunot pa ang noo.
"Jowa? Ano po ba ang ibig sabihin ng 'jowa'" tanong nito sakin. Oo nga pala! Nasa mundo nga pala ako ng mga to! Hindi nola maiintindihan ang language na alam ko!
"Ang ibig sabihin po non ay kasintahan hehe" nakangiting sabi ko "Ahm, salita po yun galing Europa" napatango tango naman si Mang Ising sa paliwanag ko.
"Nako Senyorita. Wala pa hong 'jowa' itong si Percy. Sa katunayan nga po ay dapat ikaka--". Hindi na natuloy ni Mang Ising ang sasabihin nya dahil nakisingit na si Percy sa usapan.
"Tama na yan Mang Ising. Hindi na ho dapat malaman pa ni Mira ang kwento na yan. Matagal na ho yan" natatawang sabi naman nito. "Mauna na ho kami mang Ising. Ililibot ko pa ho si Mira sa buong hacienda".
Nagpaalam na si Percy at pinaandar ang kalase. Oo! Siya ang nag papaandar ng Kalesa!
Kinalabit ko si Percy at nagtanong "Bakit mo pinatigil eh nag kukwento pa sya. Siguro may jowa kana no" natatawang sabi ko naman. Humagikgik lang ito at tumingin saakin.
"Wala iyon. Sadyang madaldal lamang si Mang Ising. Kahit mga nangyari na sa lumipas na dalawang taon ay natatandaan pa din niya. At nakalipas na yon hindi na dapat pang balikan" kwento ni Percy. Halata mo sa tono ng boses niya na seryoso ito. Parang ramdam mo sakanya na ayawniya pag usapan yung bagay na yon.
Parang mas lalo lang ako naintriga sa mga bagay bagay!
Patuloy na tumatakbo ang kalesa. Tahimik lang kaming dalawa. Kasi naman wala naman kaming ibang pag uusapan. Wala naman akong alam sa mundo nila. Natatakot nga ako baka bigla nalang laming barilin ng mga espanyol dito eh.
"Ahm Percy?" tawag ko rito na hanggang ngayon ay nakatutuok sa daan "May lugar ka bang madalas puntahan dito sa hacienda niyo?
"Mayroon Binibini. Sa ilalim ng puno ng sampaloc. Malapit iyopn kung saan kita unang nakita. Maaliwalas don at tahimik. Kaya naman kay sarap doon mamalagi" kwento nito habang nakangiti.
"Puntahan natin" sabik na sabi ko. "Tara mag muni muni".
Mabilis na pinatakbo ni Percy ang kalesa. Napatili naman ako kase grabe yung alog nya! Ang sakit sa puwet! Tagtag ka talaga, malubak din ang daan at halos ramdam mo ang tigas ng upuan! Hindi ko alam kung sinasadya niya ba talaga o sadyang ecited lang siya pumunta. Habang papunta kami sa sinasabi niyang lugar ay nadaanan namin ang malawak na pinyahan.
BINABASA MO ANG
Lakbay
Historical FictionAlamin at tunghayan ang pag lalakbay sa mundo ng nakaraan. Ang misyon na muling ituloy ang pag iibigang, hindi napagbigyan sa nakaraan. Makakamit na kaya? ~ |Fiction| (Ongoing)